Dedicated to micahyun! :)
Mr. Author’s Note: Sa mga naguluhan sa pagbabasa ng Chapter 44, pasensya na po. Di ko napansin na nasira pala ‘yung format matapos kong i-upload. Nalaman ko lang nang mabasa ko ‘yung ibang comments niyo. Thanks for the feedback! Anyway, naayos ko na po ang Chapter 44 at naibalik ko na ulit ang format. Let’s now read Chapter 45 that will make your heart pound.
CHAPTER 45
YNNAH’s POV
“Kiss! Kiss! Kiss!” sigaw pa ng crowd sa aming dalawa ni Argel.
Nilingon ko sa kanan sila Mint at Harvey. Nagbakasakaling meron silang pwedeng sabihin o gawin para maalis ako sa sitwasyon ko ngayon pero maging sila din ay naghihintay ng magiging aksyon ko.
“Kung nagdadalawang-isip kang halikan ako, sige na, magpapahalik na ko sa’yo,” narinig ko pang sabi ng nanunudyong lalaki sa kaliwa ko.
Nilingon ko naman siya at binigyan ng masamang tingin. Ang kapal ha! Pero mukhang hindi man lang nakuha sa tingin ang damuhong ito.
“Kiss me but don’t you dare fall in love with me,” mapang-akit at mapang-asar na sabi pa nitong impaktong si Argel with matching his husky sexy voice. Ang kapal talaga!
“Kiskisin mo ‘yang mukha mo! Oh! Ayan ang halikan mo!” naiinis na sabi ko naman sa kanya sabay bato ng dalawang pirasong popcorn. Bilang talaga ‘yung binato?!
“Yieeeee!” narinig naming sigawan ng crowd. Hulu!
Bigla naman ako nakaisip ng bright idea. Alam ko na kung paano matatapos ang kaguluhang ito.
Agad akong lumingon kay Harvey at kinausap siya, “Harvey! Palit tayong upuan!”
“Ayoko nga!” tahasang pagtanggi naman nito.
“Dali na!” pagpupumilit ko pa.
“Magpahalik ka na lang kasi!” sabi pa niya na ikinagulat ko. Kaloka! Gawin ba kong pamigay?!
“Ano’ng sabi mo?!” bulalas ko. Pinandilatan ko talaga siya ng mga mata.
“Sabi ko nga, palit na tayo. Tumayo ka na d’yan,” labag sa kaloobang pagpayag ng kaibigan ko.
“Thanks, Harvey!” tuwang-tuwa kong sabi. Sa wakas!
Nang magpalit kami ng upuan ni Harvey ay saka lang natigil ang mga hiyawan ng mga nanonood. Nalipat naman sa ibang couples ang Kiss Cam. Haaay, nakaligtas din. Sino ba kasing nag-ooperate nung Kiss Cam na ‘yun? Patay sa’kin ‘yun.
At nagtuloy ang football game hanggang sa matapos ang laro sa score na 3-2 in favor sa EU White Tigers. Yehey! Panalo sila Kiros!
BINABASA MO ANG
The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)
FantastikYnnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogant man in the world, Argel de Vera and the wicked witch in her real life, Alexa Aldama? And what if she found out that she is a real princess...