I

4.3K 67 27
                                    

BANGTASTÉ (Bang-tas-tey), isang bago ngunit sikat na sikat na café sa Army St., Bangtan City. Dinadayo sila hindi lang dahil sa masasarap nilang kape at goodies na sila mismo ang gumawa kundi dahil na rin sa charm ng pitong boys na may-ari nito. Lagi silang maraming customers kasi famous nga sila. At dahil dedicated ang mga boys, sila-sila na rin ang crew ng café. Kaya naman close din sila sa kanilang customers. Isa pa, masisipag naman sila---

"SUGA, ONE ESPRESSO FOR TABLE 5!!!"

"SUGA, TWO STRONG MARINO NGA SA TABLE 7!!!"

"SUGA, ADDITIONAL CREAMER DAW SA TABLE 2!!!"

"SUGA TISSUE DAAAWW!!!"






"PUNYETERS! Jin maawa ka iisa lang katawan ko! Daig mo pa machine gun sa dami ng utos!" Kinuha ni Suga ang isang tray laman ang lahat ng inutos ni Jin. Muntik na siyang madapa pagpunta sa customers at yung tissue naibaot niya sa humihingi ng creamer at yung creamer naibigay niya sa humihingi ng tissue.

"Sorry, Sir. Here's the creamer." Ngumiti siya sa customer sabay peace sign. Nag-okay naman ito. Buti na lang pogi siya kaya okay lang magkamali-mali.

Bumalik siya sa counter, at pasalampak na umupo sa stool.

"Sobrang dami ng customers natin." Nakangiting sabi ni Jin nang lumabas mula sa kitchen, dala ang tray ng cookies na kahahango lang mula sa oven.

"Oo! At mauutas na ko hanggang mamaya. Asan ba sina Rap? Sina V?"

"Si V at si Jimin, pinabibili ko ng ingredients sa grocery store."

"Ha? Eh bakit hindi si Jungkook?"

"Pinagdeliver ko ng orders."

"Eh di ba si Rap nagawa nun?"

"Nag-iisip sila ni JHope ng concept para mas dumami ang customers."

"Huwat? Ang daya tutulog lang yung mga yun. Dapat ako na lang sinama mo kay JHope."

"Eh di lalo ka na. Baka puro panaginip lang magawa mo." Inilagay ni Jin sa display ang cookies. May ilang customers agad na lumapit at bumili. "Tsaka natulog ka lang kahapon kaya nagdecide ako na ikaw naman ang tumulong ngayon."

"Aray! Ang hard mo naman dun Jin! Ang daya pa. Tsaka kahapon tulong-tulong naman sila eh." Lumapit si Suga at tiningnan yung mga cookies. Kulay black sila at distorted ang shapes. "Ano yan? Mga ulap?"

Nakairap na tiningnan ni Jin si Suga. "Bulaklak yan! Ulap? Ysh. Di ka ba maalam mag-appreciate ng art?"

"Art? Art yan? Eh mukhang sunog na uling eh." Tinawanan ni Suga ang reaction ni Jin. Sa kanilang pitong magkakaibigan, ito ang pinakadedicated sa café nila. After college nila naisipang magtayo ng negosyo at pumatok naman ito. Dahil na rin sa walang cafe sa lugar na napili nila at syempre dahil mga gwapo sila!

"Ang tagal naman nina Jimin?" nakatingin sa labas na saad ni Jin.

Natawa si Suga. "Pinagkatiwala mo talaga ang grocery sa dalawang yun? Pustahan kulang ang pinadala mong pera kasi nakabasag ng kung ano yung dalawa."

"Si Jungkook kaya?" Hindi naman nito pinansin ang sinabi niya.

"Baka naligaw na yun."

"Alam mo Suga ang pessimistic mo, magserve ka na lang. Ayan oh, may new customers." Turo ni Jin sa mga babaeng bumaba ng isang acid pink na sportscar at naglakad papasok ng cafe nila.

"Mukhang di tagarito ah? Sige ako nang bahala," kinuha ni Suga ang tray at iniready ang kanyang smile.

Pumasok yung tatlong babae at naupo sa nag-iisang bakanteng silya. Inililibot ng mga ito ang tingin sa lugar at nagbubulungan.

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon