XLV

553 14 0
                                    

♡RapMon's POV

            ♡♡♡♡♡♡♡♡♡
♡♡♡WELCOME BACK SUGA!♡♡♡♡
♡♡♡♡♡

Humawak ako sa baba ko at pinagmasdang mabuti yung banner. "Hmn... medyo itaas mo nga Taehyung yang dulong hawak mo... Okay. Ah Kookie, ibaba mo ng mga... 3.5 millimeters."

"Hyung, paano ko matatantya yung .5 millimeters?" Nakapoker faced na tanong ni Jungkook sa akin.

"Hahaha! Joke lang Kookie. Sige okay na yan." Pumalakpak ako at iniligid sa kabuoan ng cafe ang tingin. Ayos na lahat.

Lumapit sa akin si Taehyung, "Rap, asan si Hobi?"

"Nasa atin,  tinutulungan si Jin na kuhanin yung pagkain." Napatingin ako sa labas. "O, ayan na pala sila!"

Sinalubong naming tatlo sina Jin at JHope at tinulungan silasa mga pagkaing dala nila. May paparty si mayor ngayon eh. Uuwi na kasi si Suga. At itong cafe namin ang naisip naming venue. Matagal rin tong natengga kaya para masaya dito na kami magse-celebrate.

"Nadiyan na si Jimin?" tanong agad ni Jin.

Umiling ako. "Wala pa."

"Kanina pa yon ah? Baka isang trak ng mansanas ang binili non?" bulalas ni JHope.

Natawa naman ako sa kanya. Aba. Umiimik na. Alam niyo kasi kagabi hanggang kaninang umaga, hindi yan nagsasalita. Nakatulala lang na mukhang sinapian. Ipapatawas na nga sana namin eh. Tinatanong namin siya pero umiiling lang.

"Wow! Happy Valentine's!" saad nito pagkakita sa banner. "Ayaw niyo naman ng puso ano?"

"'Ba, masterpiece namin ni Kookie yan," proud na sabi ni Taehyung. Medyo natawa ako. Yon din ang puna ko kanina pa pero hindi ko lang sinasabi.

"Teka Hobi, wala na ba yung sumasapi sayo?" tanong ni Jungkook.

"Onga Hobi?" saad naman ni Taehyung.

"Saping sinasabi niyo. Baka kayo!" Umupo si JHope at tumabi si Taehyung sa kanya.

"Dahil ba kay Rose?"

"Ahcgsgjyfjklhs!"

Natawa ako nang masamid si JHope saka todo pandidilat ng mata. "Hinde ah! Bakit naman nadamay yon?"

Biglang sumigaw si Jungkook. "Ah! Si Rose oh!"

Automatic na yumuko si Hobi sa may ilalim ng mesa at kunwari may hinanap.

"Hahahaaa!" Nadala na rin ako sa tawa nina Taehyung at Jungkook. Namumulang umupo ulit si JHope nang marealize na tinrip lang siya ni Kookie.

"Hindi pala haaa!" sinundot-sundot pa ni Taehyung si JHope na kunyari sinasakal si Jungkook.

"Hobi, dahil ba talaga kay Rose?" tanong ni Jin habang nag-aayos ng arrangement ng mga nakahain sa mesa.

"Hyung naman!" saad ni JHope na binitawan si Jungkook. "Tsaka may hinanap lang ako."

Napatingin ako sa labas. Nakita ko na lumabas na ng kotse sina Lisa at Rose. May dala silang cake at papunta sila dito.

"Ayan na si Rose." Saad ko.

Nakatalikod si JHope sa pinto kaya naman hindi niya to kita. Akala niya niyayabang ko siya.

Tatawa-tawa naman sina Taehyung.

"Hindi ka ba tatago hyung?" nang-aasar na tanong ni Jungkook. Malapit na sina Rose. Si Lisa kumaway na sa amin. Patawid na sila sa tapat.

Si Jisoo kaya bakit hindi kasama?

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon