XXVI

678 24 0
                                    


JHope'S POV

Nilingon ko yung mga body guards ni Jisung, mga 5 dipa ang layo mula sa aming dalawa. Todo bantay sila huh? Feeling naman nila babalian ko ng buto tong amo nila.

Hindi kaya ako brutal na tao. Ang mga gwapo dinadaan sa diplomasya ang lahat.

Kaya ko lang naman siya sinuntok kanina kasi bigla niyang hinila si Rosé. Anong akala niya? Kung anong bagay lang siya na pwedeng hila-hilahin?

"So... you are telling me na hayaan ko si Rosé? May alam ka ba sa nangyari ha?"

"Pero hindi pa rin yon basehan. Hindi mo ba nakikitang hindi siya masaya dito?"

Ngumisi lang siya.

"Kaya kong ibigay lahat sa kanya."

"Lahat ng materyal na bagay, oo. Pero hindi siya masaya Jisung. Matutuwa ka bang ang babaeng mahal mo eh hindi naman masaya sayo?"

Mukhang medyo tinablan siya. Nawala yung ngisi niya eh.

"Bakit mo to ginagawa?"

"Kelangan ba may dahilan?"

"Oo."

"Kung sasabihin ko ba ang totoo, papasamahin mo siya sa amin?"

"Depende."

"Kaibigan ko siya."

Nginisihan niya ako lalo.

"Naging magkaibigan din kayo di ba?" balik tanong ko.

"Mahal mo ba siya?"

Medyo natigilan ako doon sa tanong niya. Huminga ako ng malalim at tumingin nang diretso sa mga mata niya.

"Hindi ko siya mahal."

"Ow? So why are you doing this?"

"Hindi ko siya mahal pero mahalaga NA siya sa akin. At alam kong doon din yon pupunta."

This time siya naman ang hindi agad nagsalita. Then,

"Alam mo ba kung magkano ang utang ng tatay niya sa akin?"

"Ikaw na rin ang may sabi, utang ng TATAY niya. Bakit siya'ng sinisingil mo?"

Tumawa siya. "Okay. I like that point pero... ako yung tipo ng tao na hindi pumapayag na malamangan."

"Pwes baguhin mo yang attitude mo na yan. Di ka sasaya."

Mukhang nasapol siya dun sa sinabi ko kasi nagalit yung anyo niya.

"So gusto mong pasamahin ko pabalik sa inyo si Roséanne? Sige. Papayag ako. Pero sa isang kondisyon."

"Ano?"

Ngumisi siya. "Ikaw ang kapalit."

Ano daw?!

"Magiging tauhan kita. Susunod ka sa lahat ng iuutos ko sayo at ang buhay mo magiging sa akin."

*gulp*

"Umoo ka ngayon at oramismo, makakauwi si Rosé."

Huminga ako ng malalim.

"Hindi mo na ba siya guguluhin?"

"Oo naman. Marunong akong tumupad sa usapan."

"Fine---"

"KAMI BA HINDI MO TATANUNGIN KUNG PAYAG KAMI, HOBI?!"

Napalingon kami parehas sa pinto.

"Jin!"

"Tumayo ka na jan. Uuwi na tayo."

"And who are you to tell that?!" galit na asik ni Jisung. Papakilusin niya sana ang guards niya kaya lang may mga pumasok na men in black.

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon