III

1.4K 56 1
                                    


Rosé's POV



"O ayan na pala siya eh," saad ni Jisoo nang matanaw namin si Lisang papasok sa gate. Nakahinga na ng maluwag si Jennie. Kanina pa kasi kami nag-aalala dahil biglang naging unattended ang phone ni Lisa habang kausap siya ni Jisoo kanina. Tapos hindi na namin siya ma-contact.



"Sorry ginabi na ko," bungad agad niya pagbukas niya ng pinto. Inilapag niya sa mesa yung envelope na may laman sigurong business permit at saka palupaging umupo sa sahig. "Na-snatchan ako."



"What?!" Halos sabay-sabay naming sigaw saka lumapit sa kanya.



"Okay ka lang ba?" tanong ni Jennie.


"Walang masakit sayo?" usisa ni Jisoo.



"Ano bang nangyari?" tanong ko naman. Bunso namin si Lisa kaya nag-aalala kami ng sobra para sa kanya. Na-snatchan? My god.



Nagkwento siya habang nakatungo. Hanggang dumating dun sa point na iniwan siya nung lalaking tumulong sa kanya.



"What the hell?! Iniwan ka? Sa madilim na area tapos malapit pa dun sa pinangyarihan ng krimen? My gosh. Ang iresponsable naman niya kung ganon!" Galit na saad ni Jennie. May pagkamataray talaga siya. Parang ate na siya sa aming apat kaya siya ganyan.



"Kasalan ko rin naman, sinigawan ko siya at pinaalis." Tumunghay na siya at ngumiti nang malungkot. "Yung key chain lang naman ang habol ko sa cell phone na yun eh."



I know. Hindi si Lisa ang tipo ng tao na ganun ka-desperada para sa mga materyal na gamit, pero pag may sentimental value ang kahit na isang maliit na bagay asahan mo nang makikipagpatayan siya.



"Yun yung keychain na bigay ni Chugs di ba? Yung childhood bff mo?" tanong ni Jisoo.



Ah, nakwento niya na samin dati yung Chugs na sinasabi ni Jisoo. Pati yung promise nito sa kanya na babalikan siya pagkatapos nitong mag-aral sa Korea.


"Alam mo baka sign na yon Lisa," saad ko. "Maybe it's time for you to forget him and his promise."



"Oo nga. Ilang taon pa lang ba kayo nung magpromise siya sayo? 5 or 6?" sang-ayon naman ni Jisoo.



"We were five but I knew he's not lying. He said he'll be back," malungkot pa ring saad ni Lisa.



"Come on Liz, andito kaming tatlo? Aren't we enough?" Saad ni Jennie.


Medyo madrama talaga siya minsan...


"Ofcourse you're more than enough! Pero kasi..." tumungo si Lisa.




"Mahal mo pa rin siya. 13 years na ang lumipas at wala na kayong communication. Sa tingin mo ba naaalala ka pa niya or yung promise niya sayo?" saad ni Jennie. May point siya. Pero nakakasakit yun para kay Lisa.



"Tama si Jen, Lisa." Saad ni Jisoo. Niyakap niya si Lisa to comfort her. "Tsaka di ba, sabi mo 5 years kayo dun sa dati niyong address at never kayo nagpalit ng telephone number pero wala man lang tawag or anything? Maybe it's time to let go..."



"Saka ano ka ba Lisa? Sa ganda mong yan, makakakita ka pa ng much, much better. Malay mo yung nagligtas sayo di ba?" Pagchi-cheer ko at pinat siya sa ulo.



"Ay wag na kung yun lang din naman!" Nakairap na saad ni Jennie. "Tsk. Wala na bang maayos na lalaki ngayon? Maiba tayo, alam mo ba, yung may-ari nung café na katabi nung area natin, puro guys. Sabi nung lalaki na nakausap namin pito raw silang propietors nun."



"Oo. Alam mo ba Lisa, nakakainsecure yung pagmumukha nung lalaki na yun? Sobrang puti at ang kinis!" react ni Jisoo.




"Tsh. Ang yabang naman."



Napatingin kami kay Jennie. Ang straightforward niya talaga.



"Mayabang ba yun? Mukha namang hindi eh," saad ko. "Okay nga yung pagseserve niya sa atin eh."



"Aisus! Baka yung kumuha ng bill natin, mukhang gentleman!" sabi ni Jisoo na nakahawak pa sa pisngi.


Ngumiwi si Jennie sa kanya at natawa naman ako.


"Type mo Jis?" tanong ko.



"Hindi noh. Natuwa lang ako sa kanya."



Nagtawanan kami. Napatingin ako kay Lisa. Malungkot pa rin siya. I understand her, alam ko rin yung pakiramdam na pinangakuan pero kinalimutan.



"Guys, I think okay na yung rolls na pinalamig ko sa fridge. Wanna try?" tanong ko to lighten up the mood. Alam kong mahilig si Lisa sa sweets.



"Rolls?" Namilog ang mga mata niya. See.




"It's not your typical roll, Lisa. It's Rosé chestnut and strawberries roll in white choco."



(♡________♡) - Itsura ni Lisa. Sabi na eh. Basta sweets, malilimutan niya lahat.



Tumayo kaming lahat at pumunta sa kusina. Syempre nangunguna si Lisa favorite niya yun eh.








** Lisa's POV


"Sigurado ka bang ikaw na jan?" tanong ni Jisoo sa akin. Sinabi ko kasing ako na ang mag-iimis sa pinagkainan namin.



"Oo. Ako naman ang toka ngayon eh," sagot ko. Tumango lang siya saka lumabas ng kusina. Si Jennie naririnig ko na nanonood pa ng TV. Si Rosé siguro nagbabasa pa. Si Jisoo naman baka matutulog na.



Sinimulan ko nang hugasan ang mga pinggan. Pero yung isip ko kung saan naglalakbay.




Nagalit siguro siya sa akin...



Napabuntong-hininga ako nang maalala ko na naman yung lalaking tumulong sa akin--- come to think of it! Hindi ko pala alam ang pangalan niya!



Agad kong tinapos ang ginagawa ko at lumabas ng bahay. Magpapahangin muna ako saglit at magrereflect sa mga nangyari ngayong araw.



Siguro nga tama sina Jennie, dapat ko nang kalimutan yung... yung mga sinabi ni Chugs. Sabagay, kahit nga yung itsura niya hindi ko na matandaan. Kahit yung totoong pangalan niya di ko na rin alam. He remained as Chugs at sa palagay ko hanggang ganun na lang yun.



"Alam mo baka sign na yon Lisa. Maybe it's time for you to forget him and his promise."



Yeah. Perhaps Rosé's right.




"Malay mo yun na yung lalaking nagligtas sayo."




No way. I mean, imposible naman yun. Mukhang nagalit siya sa akin eh. Nilayasan niya ko bigla. Sabagay kung ako rin naman siguro, tumulong at nagmamalasakit na nga tas sisigawan pa, maiinis rin ako. Kaya di naman ako nagalit sa ginawa niyang pang-iiwan sakin dun sa dilim. Sa totoo niyan, naguguilty pa nga ako kasi hindi man lang ako nakapag-thank you at pati name niya di ko man lang nalaman.




Bumuga ako ng hangin at hinipan ang bangs ko saka tumingala sa langit. Siguro naman makikita ko ulit si Mr. Cap noh? I decided na Mr. Cap na lang muna ang itawag ko sa kanya. If ever I see him I swear, babawi ako. Ililibre ko siya sa café namin.



Napangiti ako. Our café. Di ko inakalang ganito kabilis matutupad ang mga pinlano naming apat na magkakaibigan. Promise, I will do my best mapagyaman lang yun.



Medyo inantok na ko kaya pumasok na ko sa loob. Si Jennie tulog na tas bukas pa yung TV. Ginising ko siya at niyaya nang matulog. May dalawang kwarto sa apartment na 'to. Magkasama kami ni Jisoo tapos sila ni Rosé sa isa.




"Good night Liz," sabi ni Jennie bago siya pumasok sa kwarto nila ni Rosé. "Smile and be happy."



Ngumiti ako sa sinabi niya. "I will. Thanks. Good night Jen."



Bakit nga ba naghahanap pa ko ng matagal nang wala? Eh meron akong tatlong bffs na walang kaparis sa mundo...♡

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon