XXIX

705 25 1
                                    

Jimin's POV

Andito kami ni Rap sa Bangtasté, nakaupo lang at pinapanood siya habang umiinom. Si Jungkook, hindi ko alam kung san sumuot.

Actually pailan na ni Rap yan..

"Oy Rap, baka sikmurain ka na niyan. Pailan na ba yan?"

"Wag mo ko pakialaman, Jimin! Gusto kong magpakalasing!"

Binato ko siya ng basahan.

"Ba't mo ko binato?!"

"Eh nasosobrahan ka na diyan! Malalasing ka ba eh KAPE yang nilalaklak mo! Tama na yan!"

"Tse! Wag ka makialam."

Lumapit ako sa kanya. "Galit ka ba talaga?"

Umiling siya at sumagot, "Masama lang ang loob ko."

Tumango-tango lang ako. Sabagay ako rin naman. Medyo nagtatampo ako kay Taehyung. Matatanggap ko pa kung ang sekreto nila ay yung dati silang wanted sa Korea. Baka nga tawanan ko pa yun. Pero yung nasa masamang kondisyon na pala si Suga? Tsk. Parang ang unfair lang kasi hindi namin alam.

I mean, we're friends.

Ayan napapa-English time na ko dito. Kasalanan to ni Taehyung eh...

Pero sa kabila nito,

T____T

..miss ko na si Taehyuuuuung~

"Gusto kong malaman kung bakit hindi nila sinabi." Mayamaya ay serosong saad ni Rap.

"Eh di itigil mo na yang pag-kakape mo at puntahan natin siya doon----"

Nahinto ako sa pagsasalita nang makita ko si Taehyung na naglalakad patungo sa café.

Tumayo ako para sana salubungin siya pero hinila ako ni Rap.

"Kunyari galit tayo. Tas hintayin nating mag-explain siya," bulong ni Rap.

"Pabebe ka rin eh," kantiyaw ko at pinitik niya ko. "Aray!"

"Manahimik ka kase!" Itinabi niya yung tasa. "Kunyari lasing ako."

"Masama pala sayo'ng masobrahan sa kape, kung ano-anong naiisip mo..."

Saktong pasok ni Taehyung.

"JIMIN! IBILI MO PA KO NG MATADOR DON! ISANG GALON!"

Wow ha. Convincing yung acting niya.

Pede pala siyang mag-artista.

"Rap. Naka-limang tasa este-- galon ka na. Awat na." Sabi ko. Kunyari hindi namin pinapansin si Taehyung.

Nakatingin lang siya sa aming dalawa.

Hinila ako ni Rap at binulungan. "Ayusin mo naman! Nahahalata eh!"

"Okay.."

"JIMIN! BILISAN MO! BUMILI KA NG DALAWANG GALONG MATADOR DON!"

"Akala ko isa lang?"

"MARUNONG KA PA SA IINOM!!"

"Ah... Rap," saad ni Taehyung.

Napatingin kami sa kanya.

"Ako na lang ang bibili."

..

..

..

Ay utas dine kay Taehyung!


"Loko ka. Hindi mo man lang ako pipigilan? Tsk."

"Sorry na Rap."

"Hay nako."

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon