VII

1.2K 46 10
                                    

Jisoo's POV

Ako lang ba o talagang ang taray-taray ni Jennie ngayong hapon?

I mean, parang may iba eh. Alam niyo yung nakakatakot siya? Parang mangangalmot eh.

Sabi ni Rosé at Lisa galing sila sa kabilang cafe at kinuwento rin nila yung biglang pagkawala ng customers namin dahil sa gimmick nung kabila.

Pero sabi ni Lisa baka daw dahil pumunta siya sa kabilang cafe at nagkape dun.

Which is denied by Jen. Okay lang naman daw na pumunta si Lisa dun if curious siya.

Pero may iba talaga sa pagka-bad trip niya ngayon.

"Tss. Kainis." Pang-ilang bulong na niya yan.

After some minutes, nagsalita si Rosé, "Girls, nagtext si Kuya Bogum. Baka raw bukas na siya makapunta." Nahihiyang ngumiti siya sa amin.

"Okay lang. Tutal may isa pa akong plano," sabi ni Jennie. Tumingin siya sa amin ni Rosé. Aba, mukhang nabawasan ang bad mood.

"Ayokong mamigay ng free kiss sa noo ha!" Agad depensa ni Rosé at natawa naman kami agad-- well except kay Jen.

"Of course not! Hindi ako sing-cheap mag-isip gaya nung mga panget na yon noh!"

"Wait Jen. Asan?? Asan sa kanila ang panget?" saad ko though pabiro lang. Inirapan ako ni Jennie.

"Jisoo, I think you need glasses," sabi niya na iniikot pa ang eyeballs.

"Baka ikaw!" ganting biro ko. Aba, totoo naman kasi. Those boys are good looking.

Lalo na yung isang matangkad dun na naka-apron pa ng black and pink.

Ang cool lang niya tingnan.

"Lisa, okay ka lang?" Mayamaya ay tanong ni Rosé sa katabi.

Tumango si Lisa at ngumiti sa amin. Though I knew pinilit niya lang ngumiti at ituon ang atensyon sa amin.

Almost six years na kaming magkakasama, alam kong may bumabahala sa kanya.

Ano kaya?

"Ikaw ha. Baka iniisip mo yung knight in shining cap mo na nasa kabila lang?" Tukso ni Rosé.

"Pati ikaw Lisa, meron din sa kabila? Gewd! Ano ba pumili naman kayo," nakairap ulit na bulalas ni Jennie.

"Ang kontra mo!" Biro ko sabay tulak ng mahina sa kanya. "Baka mamaya pag niligawan ka nung singkit na may dimple dun pumayag ka!" Pang-aasar ko.

As expected tumirik pataas ang mga mata niya sabay hair flip.

"Wag na."

"Sos!" Pang-aasar naming tatlo.

"Wag niyo na kong asarin. Let's get back to topic." Tinuro niya kami ni Rosé. "We're gonna have a gig tomorrow. Kayong dalawa, ipeperform niyo kaya yung Love Yourself?"

"Hmn, sure!" Sabay naming saad ni Rosé. "Rosé, maggitara ka!"

"Oo sige."

"Ako?" Tanong ni Lisa, mukhang excited din siya.

"Magserve ka. Aapat tayo eh."

"Aww..." nag-pout si Lisa parang bata. Tumawa si Jennie at sinabing biro lang daw yun.

It turned out lahat kami may song number. Si Lisa may kasamang sayaw.

Halimaw sa dancefloor yan eh.

"I will bake cupcakes with special design, pwede kaya?" tanong ni Rosé afterwards. Dapat talaga culinary arts ang kinuha niyang course at hindi business eh. Sobrang sarap niyan magluto.

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon