XXV

754 27 4
                                    



Rosé's POV



"All you have to do is sign these... and everything will be settled."

Naiinis na tumingala ako kay Jisung saka dinampot yung folder na inilapag niya sa mesa sa harapan ko. Binuksan ko yun. Contract.

"Sa oras na pirmahan mo yan, babalik sa inyo ang shares ng kopmanya ninyo at makakabalik bilang CEO ang daddy mo." Umupo siya at humigop ng kape, saka nag-cross arms.

Binasa ko ang ilan sa mga papel. Malinaw n atotoo ang sinasabi ni Jisung.

Kung hindi ako pipirma dito, mawawala na ang negosyong pinaghirapan ng Lolo ko at ng Dad ko. That would be my father's breakdown. Baka makasama sa kalusugan niya. Kung pipirma ako, hindi yon mangyayari pero... magpapakasal ako sa kanya.

No.

Ayoko.

Iniisip ko pa lang parang nasasakal na ako.

"Rosé, kilala mo ko, hindi ako sisira sa usapan natin. Now, sign them at---"

"Jisung, kailangan mo ba talaga tong gawin?"

Tumingin siya sa kin na parang inaaral ang expression ko. Yung mga tingin niya dati na warm at sincere, ibang-iba na ngayon.

Ano bang nangyari sa'yo Jisung?

"Rosé, I just want to have what should be mine."

"At ako yon?"

"Yes."

Naiiyak na ako. Do I look like a material thing to him na pwede niyang kontrolin, at ariing kanya?

"Jisung, please... Wag mo namang gawin sa akin to."

Blank lang ang expression niya at ramdam ko ang coldness sa mga mata niya.

"Well then, the company rights will be terminated." Tumayo na siya.

"No!"

"Then pirmahan mo yan."

Ayoko tong gawin pero... paano ang mga magulang ko?

I took the pen from the table at itinapat sa pangalan ko...

Bahala na... God please help me...

Isusulat ko na sana ang pangalan ko nang may sunod-sunod na putok at mga sigawan mula sa labas.

Napatayo kaming pareho at napatakbo sa may pinto.



"ROSE!!!"

O__O

JHOPE?!

"Rosé! Okay ka lang ba?"

Lalapit sana ako sa kanya kaya lang hinawakan ako ni Jisung at hinila papunta sa likuran niya.

"Rosé!"

"Get inside," ma-autoridad na saad sa akin ni Jisung at lumabas siya.

Nanatili akong nakatayo sa may pinto. Nakita ko sina Jennie at Jisoo na nasa may di kalayuan, kasama nila si Jin na nakaharang dun sa dalawa. May anim na lalaking nakaharang sa kanilang tatlo at yung isa nakatutok sa taas yung baril. Yun siguro yung pumutok kanina. May nakaharang namang dalawa kay J-Hope.

"Jisung! Kailangan ba nilang gumamit ng baril!" sigaw ko na nangingilid ang mga luha. Natatakot ako baka kung anong mangyari sa kanila.

"I said get inside!" sigaaw ni Jisung sa akin.

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon