LX-I

424 12 1
                                    

(Honestly, gusto ko rin ang tandem na LisMin; kaso ayoko namang i-complicate pa yung sitwasyon. Kaya eto na lang.. XD)





Lisa's POV

"Nasasaktan pa rin ako."

Pinagmasdan ko si Jimin. Nakatingin lang siya sa malayo habang sinasabi niya yang mga salitang yan. Alam niyo yung tono niya na parang pagod na siya... Humakbang ako palapit sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Kung wala siguro kami sa seryosong sitwasyon baka biniro ko na siya na ang tangkad-tangkad ko.

Huminga ako ng malalim saka tumingin sa mukha niya. Gusto ko talaga sana siyang sapakin ng isa't kalahati nang malaman ko yung ginawa niya kay Seulgi pero nang makita kong apektado rin siya, nawala yung inis ko. Hindi niya kelangan ng mang-aaway ngayon, kundi dadamay.

Huminga muna ako ng malalim saka niliglig siya ng bahagya. Tumingin siya sa akin. Nakatitig sa mata niya na nagsalita ako. "Alam ko. Pero pag pinagpatuloy mo yung galit mo, mawawala ba? Hindi naman di ba? Pareho lang kayong mahihirapan... Tsaka pag pinatawad mo naman siya hindi ibig sabihin non na mamahalin mo ulit siya o mahal mo pa rin siya. Maaaring pinapalaya niyo lang yung isa't isa para kapag nagmahal ulit kayo, mabibigay niyo yun nang buong-buo. Wala nang pain or regrets."

Tumulo ulit yung luha niya. Para siyang batang napagalitan!

Niliglig ko ulit siya. "Kausapin mo na siya."

"Ayokong marinig ang pagdadahilan niya." mahinang sabi niya saka tumungo.

"Tsk. Jimin." Tinapik-tapik ko siya sa balikat. "Kailangan mong marinig yung dahilan niya para hindi habangbuhay magtatanong ka ng bakit." Tinaas ko ang isa kong kamay at pinunasan ang pisngi niya saka ako ngumiti.

Natawa siya. "Dami mo palang kadramahan sa buhay."

"Hehe. Kausapin mo na ulit siya ha?"

"Ayaw."

"Hay naku Jimin!"

"Oo na nga, sige na! Malakas ka sakin eh." Ginulo-gulo niya yung buhok ko.

"Tangkad ko noh?"

Tiningnan niya ko ng masama kaya nag-peace sign ako.

"Tayo na nga dun, late na," sabi niya saka naunang lumakad palayo. Patakbo akong sumunod sa kanya tapos umakbay siya sa akin. Feeling ko may boy bestfriend na ako :3

-

Pagbalik sa cottage namin ay nakita kong nakaupo sa may pinto si Seulgi at nakikinig sa music.

"Sina Rose?"

"Tulog na. San ka galing?"

Ngumiti ako. "May kinausap lang. Bakit gising ka pa?"

Tinuro niya yung isang pares ng tsinelas sa may tabi. "Nakita ko sa van kanina. Ibibigay ko sana kina Rap pero tulog na ata sila. Kaya bukas na lang."

"Ah.. Papasok na ko. Ikaw?"

Tumayo na siya. "Tutulog na rin ako."





Jisoo's [short]POV

Bumaling ako patalikod sa pinto nang marinig ko ang boses ni Lisa. Pumikit ako at nagkunyaring tulog.

"Jennie? Rose? Jichu?" bulong ni Lisa pero walang tumugon. Tulog na kasi yung dalawa.

Naramdaman kong lumapit siya sa amin ni Jennie. Tapos hinalikan niya ko sa noo. "Good night."

Narinig kong humiga na siya sa tabi ni Rose. Marahan kong pinunasan ang mga mata ko.

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon