LX

452 12 1
                                    

---Jimin's POV



(Note: Italicized dialogues are flashbacks. ^_^)

Hindi naman ako umiiwas.

Sinusubukan ko namang lumapit. Kaso 'pag kaharap ko siya, naaalala ko yung nangyari noon.

Aish. Ano ba yan? Ang drama ko naman. Hindi bagay sa mga gwapo ang madrama..

Uminom na lang ako habang nakatingin sa mga kasama kong nagkukulitan. Si Suga, akala mo walang nararamdaman eh. Sana wag na lang siyang umalis.

Nilingon ko sina Jungkook at Taehyung na nag-uusap (a/n: TAEKOOK:3). Sina Hobi at Rose rin. Sina Jennie at Jin. Sina Suga at Lisa.

Bakit ako? Wala kong kausap?

-_-

Tumayo ako at lumakad papunta sa area kung saan kita yung dagat sa malayo. Mataas na lugar kasi tong pinuntahan namin. Tahimik dito sa pwestong to.

Nagselfie ako ng mga... lima. Hehe.


Isa pa para anim.

Isa pa para pito.


"Hey."

o.O

Pakiramdam ko ay nanigas ako mula ulo hanggang paa.

Ibinaba ko ang phone ko at nagkunyaring nagbabrowse sa account ko.

"Jimin... can we... talk?"

Seulgi.

Hindi mo na halatang ayokong makipag-usap?

"Please Jim. Kahit 5 minutes lang."

"Seulgi! Kahit five minutes lang! Mag-usap naman tayo oh. Please sandali lang. O k-kahit 1 minute lang! Please..."

"Jimin..."

Naramdaman kong lumapit siya. Nanatili akong nakatingin sa phone ko.

"Jimin--"

Tatalikod sana ako.

"--Kahit wag ka nang magsalita. Just spare me some minutes to talk. Please.."

"Kahit pakinggan mo na lang ako! Kahit wag ka nang magsalita!"

"Ang sakit pala. Ang sakit-sakit n-nung ginawa ko sayo dati... Naiintindihan ko kung hindi mo na ko mapapatawad pa. Pero... pero gusto ko lang maipaliwanag yung sarili ko."

Alam kong umiiyak siya. Pero ayokong humarap. Ayokong magsalita.

"Seulgi, please wag ka munang umalis. Please pakinggan mo muna ako! Seulgi! Sandali lang!"

"Sorry. I'm so, so sorry Jimin. Natakot lang ako---"


"TAMA NA." Mahina pero madiin kong sambit sa kanya. "Wag mong hingin yung bagay na hindi mo binigay sa'kin. Ayokong marinig ang paliwanag mo." Pagkasabi niyan ay lumakad na ko palayo.


Nakasalubong ko si Taehyung na may sinasabi tungkol kay Hobi pero nilagpasan ko lang siya pagkasabing masakit ang ulo ko. Dumiretso ako sa kwarto namin at umupo sa sulok. Kinuha ko ang earphones ko at sinalpak yon sa tenga ko saka nagpatugtog nang rock music. Ayokong marinig siya kahit sa isip ko. Ayoko na. Tama na.










--Lisa's POV


Yo yo yo! Lisa in the house!

Wha's up yo?

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon