XLII

555 13 0
                                    


Lisa's POV

"Aaaack! Kadiriii!" Sabi ko sa sarili ko sabay kapit sa mababang bakod. Buti may damuhan dito, hindi masyadong nakakahiya. Kaya ayokomg umiinom ng marami eh. Ang bilis kong tamaan.

Naramdaman ko na may humaplos sa likod ko.

Tumunghay ako at ang nakangiting mukha ni Taehyung ang sumalubong sa akin.

"Okay ka lang Lisa?"

"Oo."

Medyo lumayo ako sa kanya. Nawala yung ngiti niya at medyo yumuko.

"Sorry kung nagsinungaling kami," sabi niya.

"Okay na yon. No big deal."

Ngumiti ako at tatalikod sana nang magsalita siya.. "Kaya ka ba nagalit dahil... may kasamang ibang babae si Suga?"

Gulat na tumingin ako sa kanya.

"Ano?"

Bakit niya ba tinatanong? Nakakatense naman.

Medyo tumawa ako. "Ewan ko sayo Taehyung. Bakit mo ba tinatanong?"

Nagkibit-balikat siya. "Mmm.. wala lang..."

-_-

Tatalikod na sana ulit ako kaya lang hinila niya ko. "Lisa!"

"O?"

"Gusto ko lang malaman kung... kaya ka nagalit ay dahil may kasamang babae si Suga--"

Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. "Taehyung, no big deal na nga yun. OK?"

"Pero sa akin big deal yon."

Huh?

"Lisa..." napakamot siya sa batok niya. Hinintay ko ang sunod niya pang sasabihin. "Ano... ang ibig kong sabihin ay... big deal yon kasi... kasi..."

"Kasi?"

Tumingin muna siya sa taas bago humakbang ng isa palapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

Aaminin ko medyo bumigat yung tibok ng puso ko. Tumawa ako nang mahina. "Napapano ka Taehyung?"

Teka. Bakit ba ang seryoso niya?

"Lisa. Lisa."

"Lisa ka nang Lisa. Ano ba yon?"

Tumitig siya sa akin.

O sige gusto niya ba ng titigan? Fine---

---Pero nagsalita siya.

"Big deal yon kasi gusto kita."

O_O

"Gusto kita--kitang protektahan. Ibig kong sabihin, bilang k-kaibigan mo, ayoko nang nasasaktan ka. Kasi di ba, alam naman natin matagal kayong hindi nagkita... at... at alam ko siguro meron pa ring something sa inyo. Kaya naman..."

Whew.

Akala ko naman eh. Yun lang pala!

Natawa ako at hinawakan din siya sa magkabilang balikat. Nagulat naman siya.

"Taehyung! I get your point. Okay na." Tinapik-tapik ko ang balikat niya at nginitian siya. "Salamat sa concern. Bestfriend pa rin talaga kita eh no?"

"Ah... h-hehe... syempre no!"

Binitawan ko na siya at siya rin. "Alam mo Taehyung, tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung... ANO ba talaga ang nararamdaman ko. What I mean is, posibleng gusto ko pa rin si Suga... o posibleng namiss ko lang siya talaga."

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon