XIII

946 37 0
                                    


Rosé's POV

I was about to drone into sleep nang may marinig akong kakaibang sound---- parang umiiyak?

I lifted my head and looked at Jisoo. Kita kong tulog na siya dahil nakaharap siya sa gawi ko. Si Lisa naman baka nasa baba pa. Ang tagal naman ata nun?

I looked at Jennie.  Gumalaw siya.

Well? Seems like somebody is hiding something...

Bumangon ako at umupo sa may paanan ni Jennie. Ipinatong ko ang isang kamay sa binti niya to let her feel that I'm here.

"Jen? May problema ba?" tanong ko.

Hindi siya gumalaw ni tumugon. Nakatalukbong siya ng kumot eh.

"Jennie? Okay lang kung ayaw mo magkwento. Basta nandito lang kami pag gusto mo ng kausap," saad ko na lang.

Tumayo na ko ng sumagot siya. "Sorry. But don't worry, I'm still fine."

"Okay then," sabi ko at tumingin sa nakasarang pinto. Aba. Nalunod na ata si Lisa sa pag-inom.

Sumulyap ako sa orasan---12:46am na? So lagpas 30 minutes na siyang umiinom?

Hindi kaya may kausap siyang isa sa kanila---or si Suga?

Umiling ako. Iba eh. Matingnan nga.

Lumabas ako. Sakto bumukas yung tapat na room at lumabas si J-Hope. Nagulat pa siya nang bahagya pagkakita sa akin.

"Aba, gising ka pa?" saad niya in his usual bubbly tone. "Di ka makatulog?"

"Ahm, makakatulog na sana kaya lang... titingnan ko pa kung asan si Lisa."

Kumunot yung noo niya. "Bakit? Lumabas ba siya?" Sinabayan niya ko pagbaba sa kusina.

"Iinom lang daw eh, pero lagpas kalahating oras na wala pa--" Medyo kinabahan ako dahil yung dim lights lang sa sala ang bukas. Mukhang wala nang tao sa baba.

"12:30 kami umakyat, pero hindi naman siya pumunta sa kusina," saad ni J-Hope.

"Ha? Eh mga 12 siya bumaba eh... Sa'n yun pumunta?" tanong ko sa kawalan. I took my phone from my pocket and dialled her number. Nagri-ring lang.

"Ano? Di nasagot?" Mukhang worried na rin si J-Hope. "Baka nasa kusina nakatulog o sa sofa?" He went to check kahit alam kong hopeless din yung tone niya.

Ako naman sumilip sa labas. Wala nang tao.

"Negative." Tumabi sa kin si J-Hope. "Hindi kaya lumabas siya?"

Nagdial ulit ako. Lisa nasaan ka ba sumuot?

"Lalabas ako--" sabi ko at binuksan yung pinto. Sumunod sa kin si J-Hope. Tiningnan muna namin ang buong paligid ng bahay baka andun siya, pero wala rin.

"Saan ba natin siya pwedeng hanapin?" Wala sa loob na tanong ko kay JHope. Nagpapanic na ko.

"Ahm... may 24/7 convenience store sa kantong yun. I-check natin."

"Sige," saad ko at lumakad na kami. Sana naman nandun siya.

"Bakit naman kaya siya aalis bigla?" Tanong ni JHope.

Hindi ako sumagot. Yun din ang tanong ko. Hindi naman siya aalis lang basta. Hindi ganun si Lisa. Di sana nagtext man lang siya.

"Huy, Rosé," JHope nudged me slightly. Tiningnan ko siya. "Don't worry nandiyan lang yun. Safe naman sa neighborhood na to kaya sigurado akong okay lang siya."

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon