XLVI

535 15 0
                                    


Lisa's POV

Nakatayo ako sa may pinto, sa labas. Sabi ni Jin nagtext na raw si Suga na on the way na sila. Kasama niya yata ang parents niya na kahapon lang nakarating. Nang malaman ko na mga magulang niya pala ang mag-didischarge sa kanya, bigla akong kinabahan. Alam ko kasing... aalis na naman siya.


"Lisa?"


Tumingin ako kay Jungkook. Lumabas pala siya, hindi ko namalayan.


"Okay ka lang?" tanong niya. Nakita kong nag-aalala siya. Ngumiti ako.

"Oo naman!"

"Mukha ka kasing malungkot." Umupo siya dun sa bench sa tapat. Sumenyas siya na umupo ako sa tabi niya. Tumango ako at lumapit.

"Dahil ba aalis ulit si Suga?"


Hindi ako sumagot. Hinawakan niya ko sa likod at tinapik-tapik na parang kino-console ako.


"Babalik din naman siya eh. Tsaka alam mo hindi mo kailangang malungkot. Hindi ka na... hindi ka na kalilimutan non."


Woah. Si Jungkook ba talaga ang kausap ko? Parang ang daldal niya ata masyado?

I mean, hindi ko siya gaanong nakakausap pero andito siya at... pinapagaan ang loob ko.

"Masaya naman ako na mukhang maayos na si Suga. Pero kung ako lang yung masusunod sana... dito na lang siya." Saad ko. Sinipa-sipa ko yung bato sa paanan ko.

"Lisa, matanong ko lang..."

"Hmn?"

Tumingin siya sa malayo. "Ikaw ba, may nararamdaman pa rin kay Suga?"


O_O


Nakakabigla naman yung tanong niya...


"Bakit mo tinatanong?" natatawa kong sagot sa kanya. Bigla naman siyang napatingin sa akin at umiling.

"W-Wala naman... curious lang."

Tumitig ako kay Jungkook. "Pag sinabi ko sayo ang totoo, sasagutin mo rin ako ng totoo sa itatanong ko sayo?"

Medyo nabigla siya. "Sure basta isang tanong lang... Sasagutin lang pala kita eh." Tapos tumawa siya.

Huh? Bakit siya natawa? Nagjoke ba siya na hindi ko na-gets?

Tumigil siya sa pagtawa nong mapansin niyang tinititigan ko siya. Tumingin siya ulit sa iba. "O, anong sagot mo sa tanong ko?"

Umayos ako ng pagkakaupo. "Ang sagot ko ay... hindi ko alam. Thirteen years ko siyang hinintay, at hindi ako tumingin sa iba. Pero nung nakita ko siya at hindi niya ko nakilala, which is pretention niya lang pala, sobrang sumama ang loob ko. Nasaktan ako eh. But the bottom line is, okay na kami... at ayaw ko siyang mapalayo ulit sa akin."


"So gusto mo pa siya."


"Hindi ko alam."


Tumingin siya sa akin. "All this time si Suga lang ang nasa isip mo?"

Medyo tumango ako. "In general sense, siguro."


"Wala nang chance yung ibang gusto ka?"

Napakunot-noo ako. "Sino namang iba?"

"Yan na ba yung tanong mo?"

"Ha?"


"Yung tanong mo kaninang sinasabi na dapat kong sagutin, yan na ba?"


Ah! Oo nga pala! "Ang daya! Isang tanong lang ba?"

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon