L

501 11 0
                                    


Inihinto ni Jin ang kotse. "Jen, kakausapin ko lang saglit si Jisoo." Tumango si Jennie bago sunod na bumaba kina Lisa, at Rose. Si Jisoo naiwan saglit.

"Sorry Jisoo. Hindi ko balak na makialam o pangunahan ka," sabi ni Jin bago pa man mabuksan ni Jisoo ang pinto ng kotse.

Tumingin si Jisoo kay Jin sa salamin. "Okay lang. At least alam na nila."

"Pasensya na talaga."

"Hindi ko nga alam kung pasasalamatan ba kita eh? Hindi ko kasi talaga alam kung pano sasabihin..." bahagyang tumawa si Jisoo.

Napabuntong hininga si Jin. "Anong balak mo?"

"Ano nga ba? Siguro susulitin yung ilang araw... Naisip ko rin na after a year, uuwi ako."

"Isang taon talaga?" saad ni Jin.

"Hindi naman basta-basta pwedeng umuwi.. saka magsisimula pa lang kami sa Korea. Siguro tutulong muna ako kina Mommy then after a year, pag stable na yung business namin eh baka makabalik ako dito."

Ngumiti si Jin. Inisip niya muna kung dapat ba niyang itanong ang nasa isip niya pero nang makita niyang bumaba sa kasunod na sasakyan si Rap, naisip niyang magtanong na.

"Eh pano kayo ni Rap niyan?"

Medyo matagal bago sumagot si Jisoo. "Sa totoo lang, hindi ko alam. Jin. Sabihin mo nga sa akin, balewala ba kay Rap yung pretention namin ni Jimin?"

"Ano bang tingin mo?"

"Sa tingin ko... wala lang sa kanya."

Natawa nang bahagya si Jin.

"Anong nakakatawa? -_-"

"Alam mo bang pareho kayo ng iniisip? Akala niya, balewala lang sayo yung nararamdaman niya kasi pumayag kang magpretend na gf ni Jimin."

"Ano?! Eh loko pala siya eh. Kung apektado siya sana pinakita niya... hindi yung poker faced lang siya sa tabi." Bahagyang nainis si Jisoo at natawa ulit si Jin.

"Sabihin mo yan sa kanya. Wag sa akin."

"Hmph. Ako pa'ng lalapit ganon? Sinong lalaki sa amin?"

"Bakit may gender ba na basehan sa pagpapakumbaba?"

Hindi sumagot si Jisoo.

Nagsalita ulit si Jin. "Jisoo, wag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo."

"Ewan ko sayo Jin. Ang dami mong hugot." Binuksan na ni Jisoo ang pinto ng kotse, pero ngumiti siya kay Jin bago tuluyang bumaba, "But thank you anyways.."

Napangiti na lang rin si Jin saka napailing sa sarili niya. Kelan pa siya naging si Cupid?

Hay. Ewan.



*

Nagpapasok ng mga pinagkainan sina Jennie katulong si JHope nang pumasok si Jisoo. Nasa sala nakaupo si Suga at Jungkook nang pumunta siya doon.

"Kelan ang alis niyo Jisoo?" tanong ni Suga.

"Next week na eh."

"Mauuna pala ko sayo. Sa Saturday ako." Ngumiti si Suga.

"Sabay na kaya kayo?" tanong ni Jungkook.

"Kung pwede nga lang eh," saad ni Suga at tumawa. "Buti na lang may kasama ako doon. Akala ko magiging alone ako doon eh."

"Sasamahan kita pagpapagamot," sabi ni Jisoo.

Ngumiti si Jungkook. "Ayos yun. Para hindi kayo masyadong ma-home sick."

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon