LX-IX

466 14 9
                                    

JUNGKOOK's POV



Nailagay na lahat ng gamit sa van. Kumuha na kami ng driver kasi parang walang may lakas na magmaneho ngayon. Sina Lisa nadoon na sa kotse nila. Si Jennie na raw ang bahalang magdrive.

"Kookie, pasok na," sabi ni Jimin mula sa puwesto niya. Katabi ko siya ngayon. Si Taehyung nasa hulihan, nakatalukbong ng jacket niya. Si Hobi naman nasa tabi ng driver at tahimik na tahimik.

Pumasok na ako at umupo sa tabi ni Jimin. Ngumiti siya at inabutan ako ng sandwhich. "Hindi ka pa kumakain."

Tinanggap ko yung tinapay. Walang nakaalala sa amin na kumain dahil sa nangyari.

"Sina Hobi?"

Tinuro ni Jimin yung Tupperware na nasa bakanteng upuan. "Nagpadala ng tigdadalawa para sa atin si Jennie."

Tumango na lang ako at kumain.

"Ka-chat ko si Jin hyung," sabi ni Jimin. "Nagmulat na raw si Suga kani-kanina lang pero natulog ulit."

"Buti naman," sagot ko. "Tingin mo kailan ang flight ni Suga?"

"Baka raw pag nagkamalay siya nang tuluyan."

"Sasabay pa kaya si Jisoo sa kanya?"

"Hindi ko lang alam."

Hindi na nagsalita si Jimin at nagtakip na lang ng mukha.

Napakatahimik ng biyaheng to. Hindi ako sanay na matamlay sila. Sana naman maging maayos na ang lahat.




ROSE's POV


"Rose, yung phone ko pakisagot," sabi ni Jennie kaya kinuha ko yung phone niya sa bulsa niya. Siya ang nagdadrive ngayon. Nasa likuran namin sina Jisoo, Seulgi at Lisa na tahimik lang.

"Si Jin," sabi ko muna kay Jennie saka inaccept ang tawag bago ni-loud speaker. "Hello, Jin? Si Rose to. Nagdadrive si Jennie eh."

'Nagmulat na si Suga.'

"Talaga?" malakas kong sambit at sumulyap si Jennie sa akin.

Si Lisa nilapit ang sarili niya pauna. "Kamusta na siya, Jin?"

'Maayos na naman raw sabi ni Dr. Jung.'

"Buti naman," sabi ni Jennie.

Nakahinga kami nang maluwag sa sinabi ni Jin.

'Sabi ng doctor pag nagkamalay na siya nang tuluyan, dadalhin na rin siya agad sa Korea. Dito na raw nila hihintayin na magkamalay siya.'

"Ganon ba? Hindi na pala siya itatransfer dito sa City Hostpital." Lumingon ako kay Jisoo, "Ibig sabihin hindi kayo magkakasabay?"

"Malamang," sagot ni Jisoo.

'Kamusta naman kayo?'

"Kami pa ba ng kinakamusta mo? Yung mga nasa kabilang sasakyan ang tanungin mo," sabi ni Jennie. "Okay lang naman kami."

'Sige, ingat sa pagdadrive. Jen, tawagan mo ko pag nakauwi na kayo.'

"Okay."

'Bye.'

"Ingat din kayo diyan, bye bye."

-toot toot toot-

"Alam niyo, naaawa ako kina Jin,'' sabi ni Seulgi mayamaya. "College pa lang sila, kilala ko na sila at alam kong pamilya na ang turingan nila."

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon