XV

978 32 0
                                    

Jennie's POV

"Sigurado ba kayo? Okay lang talaga?"

Hinarap ko si JHope. Wala sina Jisoo, Rose at Lisa kasi nagsanib pwersa sila pagsundo kay Bogum, yung artistang pinsan ni Rosé? Kala mo naman bubuhatin pa nila yun kase talagang tatlo pa sila.

Tuloy, ako tong kinukulit ni JHope.

"Ilang beses mo na tinanong yan kaninang umaga bago kami umalis sa inyo. Hanggang ngayon, itinatanong mo pa rin?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Gano ka pa kakulit?"

"To naman, HB agad ang aga-aga," saad niya at sumimangot. Pacute pa eh. "Asan sila?"

"Nasa bayan, may sinusundo," sagot ko. "Ano, oorder ka ba o huhunta ka lang jan?" saad ko at itinuro ang menu.

"Ahm sige mukhang wala pa kayong customer eh," nakatawang saad niya.

"Oo, paano may gimmick na naman kayo," sagot ko at tiningnan yung café nila na kasalukuyang maraming tao. Paano may libreng photo mula sa kanilang pito. Ewan ko ba kung bakit sikat na sikat sila sa mga tao dito.

"Ganyan talaga. Bigyan mo nga ko nung isang slice ng strawberry cheesecake?"

"Binibili to hindi pinamimigay," pambabara ko. Umasim ang mukha niya pero saglit lang. Ngumiti ulit siya.

Naupo siya sa isang mesa malapit sa counter at pangisi-ngisi sa akin habang kumakain. Natuwa naman ako nang sabihin niyang ang sarap nung cake.

"Si Rosé ang gumawa niyan," proud kong sabi.

"Bakit di na lang bake shop ang itayo niyo? Tas sa'min ang drinks. O di ba, nagdi-jive ang businesses natin, mas papatok."

Napaisip ako sa sinabi niya.

"Pwede. Pero--" Natigilan ako nang mapalingon sa kabilang café. He is  currently having a photo with a girl. Titig na titig pa yung babae sa kanya at siya naman ngiting-ngiti pa.

"Bakit?" Sinundan ni JHope ang tingin ko. Nasamid siya bigla. "Oho!"

"Ano?" pagtataray ko dahil kong may 'something' sa pagkasamid niyang yun. "Babatukan na ba kita?"

"G-Grabe ka naman Jennie! Batok agad, di pwedeng tubig muna?"

"Tsh. Bilisan mo na nga. Mukhang hinahanap ka na nila don," pagtataboy ko at saka tumalikod sa kanya.

"Oo nga, nakatingin na dito si JIN."

Nilingon ko siya at tiningnan ng masama. May ibig sabihin ba siya dun sa pag-e-emphasize sa pangalan ng Jin na yon?

Well, they're friends. Siguro alam na niya, nila.

"Mabuti pa nga," I retorted. Sakto natanaw ko na sina Lisa. Syempre kasama si Bogum.

He waved and smiled at me as he entered.

Shocks.

Nasabi ko ba sa inyong super duper ganda ng ngiti ng taong yan?!

"Jennie! Hello!"

"Sino yan?" Nandito pa pala si JHope. Pero hindi ko siya sinagot. I walked to Bogum at niyakap siya.









**Jimin's POV

"Waaah! Marcus Bogum Park!!! I love youuuu~"

Napapangiwi na lang kami habang nakatingin sa labas kung saan parang may pa-concert si meyor.


May banners pa talaga ang fans at feeling ko naubos na yung tinda sa kabila. Paano, pati ata taga-kabilang barangay nagpunta na dito.


"Ibang klase. Isa lang tinapat nila sa kagwapuhan nating pito," bulalas ni JHope. Bumalik siya dito kanina na hindi maipinta ang mukha.


IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon