IX

1.1K 42 1
                                    

Taehyung's POV


Naupo muna ako habang pinapanood maglaro sina Jin, Jimin, Jungkookie, Suga at RapMon. Feel na feel nila na basketball stars sila, lalo pa at maraming nanonood na girls at obviously chini-cheer sila.

Lalo na si RapMon. Pa-bibo pa pagdi-dribble. Nakakatuwa lang kasi imbes na teamwork ang gawin nila halos nag-aagawan pa sila sa bola. Trip-trip lang kasi paglalaro nila. Si Jimin nga hindi pinapasahan ng bola, pano inaasar nina Suga at RapMon. Ang kyut naman ni Jimin pag malapit nang mapikon, nagbu-blush.

Nagtime out at umupo sila sa tabi ko. Lamang yung kalaban, 30-12.

"Ano ba yan? Nasisira ang kredibilidad natin ah! Suga konting seryoso naman," saad ni RapMon habang nagbubukas ng mineral water na inabot nung isang babae.


"Anong ako? Ikaw nga puro pa-swag at sway lang eh." Saad naman ni Suga sabay agaw ng tubig mula kay RapMon


"Hyungs, ipanalo naman natin tong next half!" Saad ni Kookie. Sa aming pito, siya yung pinakamahilig sa sports. Varsity player nga sana sya nung college kaso mas pinili niyang sumali sa dance troupe.


"O sige, seryoso na," saad ni Jin.

"Pasahan niyo kasi ako," maktol ni Jimin.

"Oo nga, parang mula maglaro tayo di ka pa nakalahawak ng bola eh," pang-aasar ko kay Jimin at sinakal niya ko para gumanti. "Aaaaa----ckkk-- oo na! Joke lang!"


"Prrrrrttt***" Start na ulit ng next half. Nagsigawan yung mga tao.


"V, gusto mo ikaw muna pumalit sa kin?" Nagulat ako kasi biglang umupo si Suga. Aba parang kanina lang ang sigla niya ah?


"Problema, tol?"

Tumingin siya sa akin na parang natatawa, "Putek Taehyung! Wag kang sumeryoso, kinikilabutan ako!"


"Sira!" Pabiro ko siyang binatukan saka nakipag-fist bump. Hinubad ko muna yung tshirt na suot ko saka kinuha yung jersey kong isinampay ko muna.

"Taehyung!!!" Nilingon ko yung mga girls sa gilid, "pwede pa-hug?!"

Kinindatan ko sila at nginitian. Bless your souls, ladies :*


"Tss. Minsan talaga pa-swag ka rin eh noh?" Tinulak ako ni Suga at tinawanan ko lang siya.


Okay yung laro. Nagseryoso kami pero...


"Mga gwapo tayo at natalo tayo," saad ni Rap habang naglalakad kami pauwi. "Coz you can't have anything in the world."

"Kookie, wag ka na'ng malungkot," pagchi-cheer up namin ni Jimin kay Jungkook. Kaming tatlo yung nauuna at magkakasabay paglakad. Nasa likuran namin sina Jin, Suga at RapMon.

"Oo nga, marami namang nagcheer sayo eh," dagdag ni Jimin.

"Isa ka na don?" saad ko sabay tawa. Favorite kong inaasar talaga si Jimin. Ang cute cuuuute niya eh!

"Aba syempre! Ang galing kaya maglaro nitong si Kookie," sagot ni Jimin. Ngumiti si Jungkook at umakbay sa amin. Nasa gitna kasi namin siya.

Napatingin kami sa tatlo naming kasama. Mukhang may seryoso silang pinag-uusapan. Binagalan namin at saka umagapay sa lakad nung tatlo.

"...so hindi mo siya kilala?" tanong ni RapMon kay Suga. "Pero I swear, iba yung titig niya sayo."

"Sino?" Usisa ko.

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon