LX-VI

389 11 2
                                    

Suga's POV




10:48


Tulog na sila. Pero ako, eto, hindi pa rin makatulog.

Kanina, nilapitan ako ni Lisa. Pero tumalikod ako dahil naiisip ko yung mga sinabi niya kay Jimin.

"... pag pinatawad mo naman siya hindi ibig sabihin non na mamahalin mo ulit siya o mahal mo pa rin siya. Maaaring pinapalaya niyo lang yung isa't isa para kapag nagmahal ulit kayo, mabibigay niyo yun nang buong-buo. Wala nang pain or regrets."

Kanina tinanong ako ni Jin hyung... kung ayos lang ba ako.

Gusto kong sabihing hindi. Gusto kong sabihing nagui-guilty ako. Gusto kong sabihing hindi ko kayang lumapit pa kay Lisa. Na nahihiya ako sa kanya.

Siguro nga, mas mabuti kung ipaubaya ko na siya kay Kookie.

Alam kong hindi siya masasaktan.

Lumakad lang ako nang lumakad hanggang makarating ako sa isang area na may sementadong tulay. Mababa lang siya pero yung ilalim ay ilog. Tingin ko medyo malalim yung tubig. Tahimik na tahimik, walang ibang ingay maliban sa tunog ng mga kulisap at lagaslas ng tubig.

Ang gago mo Suga.

Ang laki mong gago.

Matapos mong saktan si Lisa, aasahan mong ganon pa rin siya sayo?

Nagflashback sa akin yung mga ngiti niya.

Sa likod pala ng mga ngiti niya, nasasaktan ko siya.

Bakit ba ginawa ko yun?

--tiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnggg--- (a/n: SFX yan, gaya nung sa mga movies pag nakakaramdam ng pain ang character)

"AHHH!" Napahawak ako sa ulo ko. Nagluha ang mga mata ko sa biglang pagdaan ng sakit. Mabilis lang nawala pero parang nahilo ako.

Bakit ganon?

Mamamatay na ba ko?

Biglang nagflash ang mukha ni Lisa. "... Tsaka pag pinatawad mo naman siya hindi ibig sabihin non na mamahalin mo ulit siya o mahal mo pa rin siya."

"Aaaahhh..." Napayuko ako. Umiikot ang paligid.

Lumakad ako pabalik pero halos matumba ako. Umiikot ang paligid ko... Dumaan ulit yung sakit pero mas mabagal... parang mabibiyak ang ulo ko. Tumingin ako ng diretso pero nanlalabo ang paningin ko. Tutumba sana ako, mabuti't nakakapit ako sa hawakan ng tulay.

Nakarating ako sa daan hindi ko alam kung pano. Naririnig ko yung boses nina Jin. Naririnig ko si Hobing tinatawag ako.

"S-San--Sandali--- N-Nandiy-yan na--"

"Hoy Suga gumising ka nga diyan!" (A/n: italicized to emphasize Suga's hallucination)

Si Taehyung.

"T-Ta-Taehy--hyung..."

"Suga! Basketball tayo? Wag nating papasahan si Jiminie! hahaha!"

"K-Kookie..."

Natumba ako. Pero pinipilit kong tumayo... Nariring ko ang sinasabi ng mga kaibigan ko pero hindi ko maintindihan. Hinihintay nila ko...

-

"Aaaarrrgghhh..." Tuluyang natumba si Suga... At dahil nasa mataas siyang parte, gumulong siya nang ilang beses... hanggang may isang puno na nakaharang kaya natigil ang tuluyan niyang pagbagsak sa ilog. Nakita niya ang langit na walang mga bituin bago tuluyang nabalot ng kadiliman...




--- Jimin's POV

"I'm sorry... ayoko nang magsabi pa ng dahilan kung bakit bigla kitang iniwan. Alam kong mali ako. Mali na nagpadala ako sa takot ko, na hindi kita pinaglaban sa mga magulang ko. Pero sana mapatawad mo pa ko Jimin... Hindi ko na hihilingin na ibalik natin yung dati. Masaya na ko na maibalik mo yung mga bati at ngiti ko, no, k-kahit... kahit sabihin mo lang na pinapatawad mo na ako. Masaya na ko ro'n."

Wala akong binanggit kahit anong salita. Nakinig lang ako sa kanya. Nasaktan ako, sobra. Pero alam kong nasaktan rin siya. Eto siguro yung gusting ipa-realize sa akin ni Lisa.. na hindi ko dapat pairalin yung pride ko. Aaminin ko, gumaan ang pakiramdam ko. Okay na ako. :)

-

Tahimik na tahimik na sa kwarto namin nang bumalik ako. Nakatulog na sa sahig sina Taehyung, Jungkook, Hobi at Jin. Si Rap sa kama naroon. Magte-11 na rin kasi. Napatagal ata ako sa labas.

"Aba, asan kaya si Suga?" tanong ko sa sarili ko saka humiga sa tabi ni Rap. Nakita kong kasabay niyang bumalik sina Jin ah?

Ah, baka nagpahangin lang yun.

"Jimin!"

O_o

Bumangon ako.

Sino yun?

Bumaba ako ng kama. "Suga?" tawag ko saka lumakad papunta sa pinto. Binuksan ko at tumingin sa labas pero WALANG TAO.

Chhhht! May tumawag talaga sakin!

Sinara ko yung pinto at tumalikod nang madagil ko yung lamesa at matumba yung basong nakapatong. Basag. Pero sa dalawang piraso lang.

Nagising si Taehyung pero binato niya lang ako ng unan. Binato ko yun pabalik sa kanya saka dinampot yung bubog at tinapon sa basurahan.

Pag higa ko bigla kong naisip si Suga.

San na kaya yun? Gigisingin ko ba si Rap?

"Rap?...Huy Rap. Huy. Rap!"

"Mmm...?"

"Si Suga wala dito."

"Mmm..." Umisod lang siya nang kaunti at natulog na uli.

"Jimin magpatulog ka," mahinang saad ni Hobi saka nagtalukbong ng kumot.

Nanahimik na ko. Pumikit ako kaso hindi ko maintindihan, pagod ako, pero hindi ako mapakali. Parang... parang may masamang nangyari---AISH! Sira k aba Jimin?! Pinag-iisip mo!

Tsk.

Hindi talaga ako makatulog.

Time check. 11:25.

Aba. Nasaan na kaya yung si Suga?

Bumangon ako at lumabas.

Baka naman OA lang ako... baka naro'n siya sa tent. Tss. Yari yun sakin. Dun pala siya tutulog ta's di niya ko niyaya. Di ko naman siya dadaklayan eh.

Natanaw ko yung tent. "Hoy Suga! Ang daya mo talaga! Tabi tayo---" Natigilan ako kasi walang tao.

'Asan na yun?

Shet. Kinakabahan na ko.

"Suga? Suga?" Naglakad-lakad ako. "Suga?"

Lakad. Lakad. Nakarating ako sa may tulay. "Sugaaaa!" Walang tao.

Humihip ang hangin.

Natatakot na ko. Ang dilim.

Teka. Hindi kaya naro'n siya sa mga girls?

Natawa ako. Ibang klase.

Bumalik ako at pumunta sa cottage ng girls.

Tahimik na. Tulog na rin sila. Tumingin ako sa hilera ng sapatos sa may pinto. Uy!

Yung tsinelas ni Suga! Aha! Humanda siya sakin bukas!
Madaya siya!

Maluwag sigurado dito kina Lisa kasi lilima sila sa loob. Tas kami do'n pito. Maduga talaga yung isang 'yon.

Bumalik na ko sa kwarto namin at natatawang nahiga habang iniisip kung paano ko aasarin si Suga bukas. Para-paraan eeh!

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon