XXXIII

589 17 0
                                    


Jungkook's POV

"Jungkook."

Napalingon ako kay Rap, inaabot niya ang phone niya. Mukhang may ipapakita sa akin. Kinuha ko yun at napaubo ako sa nakita ko.

Picture. Ni Jisoo. Kasama ako. Sa convenience store kanina. Nakatagilid ang shot pero kita don na seryoso ako tapos tumatawa si Jisoo.

At mas nagulat ako kasi... 1.4k likes. 207 comments.

Nagulat ako lalo dun sa caption. 'Bangtasté oppa Jungkookie and Purple Hearts unnie Jisoo♡ Perfect match, aren't they?'

-_-

Kaya pala ganan siya kaseryoso...

"Gusto mo ba siya Jungkook?"

Inubo ako sa diretsong tanong ni Rap. Masyado naman siyang seryoso, natatakot tuloy ako.

"Ah. *ehem* ehem* Ano Rap.. w-wala--" Sht. Jungkook bakit ka nauutal? KASI SINABI KO KAY JISOO NA GUSTO SIYA NI RAP.

Yari ako pag nalaman yun ni Rap.

Pero mas mayayari yata ako pag hindi ko sinabi.

"Jungkook," hinawakan ako ni Rap sa balikat. "Parang nakababatang kapatid na ang turing ko sayo... Alam mo naman na g-gusto ko si Jisoo di ba?"

*gulp* Sa tingin ko dapat ko ngang sabihin. Di bale nang sabihin niyang pinangunahan ko siya.

"Hyung... ano kasi inamin ko--"

Itinaas niya ang kanang palad niya kaya napatigil ako sa pagsasalita at napatitig sa kanya. Umiling siya at yung itsura niya, parang nalugi.

"Pero okay lang Jungkook. Wala namang magbabago sa trato ko sayo. Kung gusto mo siya at kung gusto ka rin naman niya, ayos lang. Hindi ko naman pwedeng ipagpilitan ang sarili ko di ba?" Ngumiti siya at tinapik-tapik ako sa balikat.

Gusto kong matawa. Kaya lang baka sapakin niya ko. Ang seryoso niya kasi.

"Hyung, wala namang ibig sabihin yan." Sabi ko sabay turo sa picture.

Nanlaki ang singkit niyang mata. "Ano?"

"Nagkataon lang na magkasama kami. Kinulit lang niya ko kasi.. kasi mukha raw akong problemado." Ngumiti ako nang medyo alangan.. sasabihin ko bang binuking ko na siya?

"Ha? So.. ibig sabihin...?"

"Ibig sabihin wala akong gusto sa kanya o siya sa akin."

Natigilan siya ng saglit at napatawa. Tapos nanghalumbaba at tumingin sa akin nang napapangiti. "Talaga? Eh bakit parang ang saya niyo sa picture?"

"Nagduda ka pa eh. Hindi ako nagsisinungaling. Nangungulit lang siya. Gusto niya kasing malaman ang dahilan kung bakit ako lutang."

"Tapos...?"

"Wala namang... dahilan. Bale, wala lang ako sa sarili." Hindi ako tumingin sa kanya. Sana wag na siyang magtanong pa. Ayoko namang sabihin na nakita ko sina Taehyung at Lisa. At ayoko rin namang banggitin yung "secret" ni Jisoo na aalis na siya.

"So wala kang gusto sa kanya?"

"Oo. Pero hyung.. may... ano... may kasalanan ako sayo." Ngumiti muna ako saka nag-peace sign.

"Ano yon?" Sumeryoso na naman siya.

"Ano... ah... s-sinabi ko kay Jisoo na gusto mo siya."

"...."

"Kasi.. kasi napakakulit niya eh. Sabi niya magsabi daw ako ng secret... at uhm... ah..."

"..."

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon