LX-III

474 13 3
                                    

JISOO'S POV


  "Wala akong pakialam kung aalis ka na! Wala kong pakialam kung magtatagal ka ron! Hindi na ko tutupad sa usapan nating hihintayin kita! Jisoo! Gusto kita! ...Pwede bang tayo na?" 

>_______<!!!

Rap naman!

Bakit naman dito mo pa napiling itanong yan!!!

Nakakalula na kaya!

Nakatingin lang ako sa kanya. Naluluha ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi niya o dahil nasa gitna kami at humahangin kaya ramdam ko yung pag-uga ng bike.

Nakita kong paiyak na siya.

"Jisoo! Anong sagot mo?" malakas na sabi niya.

Aalis ako, Rap.

Magiging malayo tayo sa isa't isa.

Naniniwala akong proximity is one factor of staying in love.

Pwedeng hindi mag-work out ang mga gusto nating mangyari. Pwede tayong masaktan pareho kapag nagkataon.

Ngumiti siya. Yung malungkot na ngiti. "Okay lang! Kahit 'hindi' ang sagot mo."

Ay ano ba yan? Nainip agad?

Tumingala ako sa mga lobong malayo na.

Nalulungkot ako pag naiisip kong magiging mas malayo kami sa isa't isa.

Natatakot ako.

Pero... magiging masaya ba ko pag humindi ako?

ALAM KONG HINDI.

"Humahangin na, 'lika na don," sabi niya at naunang pumedal.

"Wait lang! Nagmamadali ka ba?" sabi ko at napatigil naman siya. "Grabe ka kasi, dito mo pa sa itaas napiling mag-confess ng ganyan. Takot kaya ako sa matataas," nakangusong sabi ko. Natawa siya. "Pano pag umalis na ko, magiging malayo na ko sayo?"

"Wala akong pakialam. Marami namang paraan para makita ka diba?"

Napatitig ako sa kanya. "Natatakot ako. Pano kung pareho tayong masaktan?"

"Pipilitin kong hindi gumawa ng mga bagay na makakapanakit sayo. Tiwala lang, Jisoo. Mapapagkatiwalaan mo ako. Ayaw kitang saktan, at kapag ayaw ko ang isang bagay, hindi ko ginagawa."

Pisti. Bakit ganiyan siya magsalita!?

Humigpit ang kapit ko sa manibela. "P-Promise?"

"Cross my heart. Anong sagot mo? OO o HINDI?"

Mahina akong umimik. "Oo."

"Ano???"

"OO sabi ko!"

"YES!"

Biglang humangin. "Uwaaah! Mahuhulog ako!"

"Hahaha! Kapit lang. Hahaha!" sabi niya. At talagang tawang-tawa siya sa akin ha?! "Lika na dun."

Pumedal na siya. Aba't taas pa ang dalawang kamay. "Yooohoooo!!! Girlfriend ko na si Jisoo Kiiiiiim!!!"

"Hoy wag mo ipagsigawan, nakakahiya!" Nag-iinit ang pisnging sabi ko saka sinabayan siya.

Rap, pagkakatiwalaan kita.


(A/N: How I wish ako yung character ni Jisoo! T____T)




Narration: (A/N:)Sorry naman, nahihirapan akong mag-isa-isa ng details. SObrang humahaba eh. Jump na lang tayo sa essential parts. Pero konting narration muna sa mga sunod na nangyari para walang gap.

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon