XVIII

888 26 1
                                    

Jisoo's POV

"Mauna na kayong umuwi. Ako nang bahala dito." I assured Lisa, Rosé and Jennie. Masama daw pakiramdam ni Jennie--- I know why. Dahil kay Jin.

I feel bad for Jennie, alam ko kasing may nararamdaman pa siya kay Jin. Hindi niya lang tinatanggap--- or should I say hindi niya lang gustong tanggapin. Siya kasi yung nang-iwan.

She had reasons, I knew. But those reasons were never explained clearly to Jin.

Natakot kasi siya. At hanggang ngayon, ganoon pa rin.

Naisip ko lang, ano kayang nakakatakot kay Jin eh parang napaka-wholesome nga niyang tao. I personally like his apron get up.

"Sure ka?" pang-ilang ulit ni Rosé bago sumakay sa kotse. Siya na magda-drive. Medyo iba rin kasi si Lisa. Na-hb ata dahil dun sa Taehyung ba yon? Basta yung kasama niya kanina.

"Oo ako na rito." I bid good-bye saka pinanood silang makaalis bago pumasok sa loob. Mag-iimis muna ko saglit bago ako magsara.

Hindi naman ako natatakot kasi 7pm lang. Maaga pa tsaka safe naman sa neighborhood na 'to.

Natanawan ko na may ilaw pa sa kabila. Siguro hindi pa sila umaalis?

But then I see no customers. Baka magsasara na rin sila.

A few minutes passed and I closed the shop. Maglalakad na lang kaya ako? Medyo malapit lang naman saka parang ang sarap mag-reflect habang naglalakad..

I was walking when my phone beeped.

It's my Mom calling. Hay ano naman kaya to?

"Hello Mom?"

"Jisoo? Have you received your Dad's message?"

Message? Hindi pa ko nag-oopen ng message box ko.

"Not yet Mom. Bakit po?"

"He is planning to leave with you. Isasama ka na niya sa Korea."


"W-What?! Saan po?"


"Sa Korea anak. Susunod ako doon after my work here is settled."

No way.

"Mom, baka naman pwedeng wag muna...?"

"Jis, you know your Daddy. When he said it, he'll do it. Saka okay yun di ba? Magkakasama na tayo," she said. Dad works in an advertising company in Seoul. Co-owner din siya ng isang talent agency. Si Mom naman, isang Professor sa theater arts. Lumaki ako na halos wala sila. It may be the great chance to finally be with them both...But then...

"Mom... Ahm, ano po kasi..." How would I tell Jennie? How would I tell my parents?

"Bakit 'nak? Ayaw mo ba?" Malungkot yung boses niya.

"No Mom! Ahm gusto ko naman po kaya lang nabigla talaga ako." I sighed. "I'll go home this weekend, Mom."

"Okay. Will wait for you then." She said something about cooking my favorite dish bago siya nag-hang up.

Okay.

I, too, have a problem.

Bakit naman nakisabay pa to?

Bakit naman ngayon pa?

"Hayst! Nakakainis!" Sinipa ko yung maliit na batong nadaanan. Tumilapon yun kung saan. Sana ganun kadaling alisin ang problema, tipong isang sipaan lang wala na.

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon