LV

482 12 0
                                    

Jennie's POV


"I'm sorry, but please don't get angry with Jin."

Napahinga ako ng malalim at tumingin kay Pia.

Mukha naman siyang sincere.

"Namiss ko lang talaga siya."

I nodded.

Nasaktan lang naman ako. Kaya ako tumakbo palayo.

He's her childhood friend. Ewan ko pero natakot ako. Yung takot ko noon, na baka hindi kami bagay ni Jin, ay biglang bumalik.

"Please wag ka nang magalit sa kanya," sabi niya.

Umiling ako. "Kaya naman ako tumakbo palayo dun kasi... kasi natakot ako. Pia. Alam mo ba kung bakit nagkahiwalay kami dati ni Jin? We were so in love back then... but his mother. Well, naiintindihan ko naman ang mom niya. She wanted someone better for her son."

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil yon..

"I left him because of that. Umiwas ako. Lumayo. At eventually nawala lahat ng meron kami. Then we got back again. And he made me felt the love we have had back then." Napatungo ako. "Then I saw you and him. How you two are so close.. k-kahit matagal na kayong di nagkikita. How it seems na close rin kayo ng mom niya. And then I felt the same fear again... kaya ako tumakbo palayo."

"I understand. Alam mo Jennie, Jin, he loves you so much. Don't doubt him... his love."

I nodded. "Pasensya ka na rin ha. Nadramahan pa kita."

"It is alright. Babae rin ako. Naiintindihan ko ang feelings mo. Now, I think you two better talk. Nasa labas si Jin."

I nodded. She gripped my hand once more then went out.

Tinuon ko ang atensyon ko sa natutunaw nang ice cream.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. "Jen... Sorry."

"It's okay. Pia had explained."

"Please look at me Jen." Sabi niya.

Marahan kong inangat ang tingin ko at sinalubong ang mga mata niya.

"I love you. Whatever happens, whoever tries to stand between us, I'll still love you. Please, wag ka nang lumayo ulit."

My tears fell.

I nodded.


"Yes, Jin. Sorry kung nagpaka-childish ako... Promise di na mauulit."

"Thank you."


"I love you Jin."

He smiled.

And slowly he lowered his face...


Teka...

Wag niyo sabihing...



Five inches...


Three inches near...


Tumayo ako bigla.


"Hala! Yung ginrocery natin Jin, di pa nababayaran!" Tumalikod na ko at pumunta sa pinto. Shocks. Jennie. Nilalagnat ka ba?! Napapaypay ako. Then nilingon ko siya. Nakatungo siya at nakaupo pa rin. >///////<


Bumalik ako at hinila siya patayo. "Tara na Jin."

"Yeah. Alright..." tumayo siya at nakasimangot.

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon