LIX

490 13 1
                                    


Have you watched the mini drama "Part-Time Idol"? It broke my heart when I'm thinking Blackpink and BTS might have undergone hard trainings like those in the drama (tho it's just drama, the trainings in real life seems so hard, too).

Watch it. It's fun. And the realization on how hard idols went through will make you love them more. 😉


*Jungkook's POV*

"Ah may una ba? Tulog na tulog ako nun eh."

Hindi niya tanda.

So nananaginip lang siya non? Hindi kaya dahil nakainom lang siya? Ako ba talaga yung nakita niya?

Aish!

Napakamot ako sa ulo at tumihaya sa damuhan.

Sila Jin, naglalaro sa paligid ng campfire. Naggigitara si Rose at kumakanta sila.

"Hoy."

Tumingin ako sa may ulunan ko.

"Para saan yang pagsesenti mo? Hindi bagay."

Bumangon ako at umupo. Tumabi si Jimin sa akin at binigyan ako ng bote ng beer.

"Bakit nandito ka?" tanong niya at umakbay sa akin.

"Eh ikaw? Bakit nandito ka rin?"

"Tss. Ayoko dun." Tumingin siya sa mga kaibigan namin. "Tss."

"Puro ka tss. Dahil ba kay Seulgi? Hindi ka pa nakakamove on?"

"Ang bakla ng tanong mo Kookie," sabi niya at ngumisi sa akin.

Inalis ko ang braso niya sa balikat ko. "Bakit ba ayaw mong harapin si Seulgi. Kaya nga siya sinama eh. Para maging okay na kayo."

"Tss."

Natawa na lang ako. "Jimin, pano mo nalaman dati na gusto ka ni Seulgi?"

Nasamid siya. "Aaarrshhh! Jungkook! Ano--tsk. Ano bang klaseng tanong yun?" Tinulak niya ko. "Pwe. Napunta ata sa loob ng ulo ko yung ininom ko."

"Haha! Sagutin mo na lang yung tanong ko. Pano mo nga nalaman?"

"E di tinanong ko. Tsk. Bakit? Gusto mong malaman kung gusto ka ni Lisa?"

"Aaaarrrgh! Annnkk-- Shhh...*cough* cough* A-Ano?!"

"Hahaha! Kita mo na. Ano, feeling mo pumasok yung alak sa ulo mo no? Haha!"

"Bwisit ka!" Dinambahan ko siya at sinakal kunyari.

"Huli si Jungkook! May gusto kay----!"

"Wag ka magulo!"

"Hoy. Jimin. Jungkook."

Napatuwid kami ng upo. Si Taehyung. "Hi!" Sabi ko at tinawanan si Jimin kasi magpigil siya bigla ng tawa eh di bumilog yung mga pisngi niya.

"Bakit di niyo ko sinasali?" Nakasimangot na umupo siya sa gitna namin. "Anong nilalaro niyo?"

"Laro ka diyan. Nagkukulit lang tong si Jungkook."

Tumingin sa akin si Taehyung. Ewan ko pero... parang ang daming gustong sabihin nung tingin niyang yon.

*JHope's pov*

Di ko maiwasang di titigan si Rose habang naggigitara siya at kumakanta. Kanina pa sila nagjajamming nina Jennie, siya taga-tugtog tapos tiga-kanta yung tatlo kasama si Seulgi. Si Lisa sumasayaw pa. Ang kukulit din nitong mga to eh. Sina Rap naman nakikikanta rin. Yun namang si Taehyung naglalaro dun sa damuhan kasama si Kookie at Jimin. Parang ewan talaga yung tatlong yun pag minsan.

"Rose, acoustic version ng Whistle dali," request ni Lisa na umupo pa sa tabi ni Rose at nagpacute.

"Sure." Nagsimulang tumipa sa gitara si Rose. Akala ko kakanta sila Jennie pero si Rose lang pala ang kakanta.

"Make 'em whistle like a missile bomb, bomb
Everytime I show up
Blow up
Make 'em whistle like a missile bomb, bomb
Everytime I show up
Blow up uh

You're beautiful
I can't forget
Your eyes still make my heart flutter boom, boom.."

♡____♡ Bakit ang ganda ng boses niya???

"Hobi, baka matunaw si Rose kakatitig mo," sabi ni Jin na umupo sa tabi ko.

Nginisihan ko siya saka tumingin ulit kay Rose.

"Jin, gustong-gusto ko na talaga siya..." sabi ko at natawa. "Ang bakla, putek."

"Haha. Ligawan mo na," sabi ni Jin at uminom.

"Ready na kaya ulit siyang magtiwala?" Syempre alam ko ang pinagdaanan niya don sa Jisung na yon. Alam kong nasaktan siya noon. Kaya natatakot tuloy ako... baka kasi hindi pa siya readyng pumasok sa isang commitment.

"Bah, siya tanungin mo."

Hindi ako umimik. Hindi ko ata kaya...

"Kaya mo yan. Wag kang uuwi sa atin nang hindi mo nalalaman ang sagot," ngumiti si Jin saka tumayo at nakisayaw kina Suga.

Si Suga na yung may hawak ng gitara na tinutugtog niya habang sumasayaw. Lakas ng trip nito ah

Teka. Si Rose...?

"Isa pa?" Nagulat ako dahil nasa may tabi ko na siya. Inaabot niya sakin yung isang beer in can.

"Thanks," sabi ko na tinanggap yun. "Galing mo kumanta ah."

"Salamat." Ngumiti siya saka isinipit sa likod ng tenga ang ilang strand ng buhok niya. Uminom siya habang pinapanood sina Suga. Nagbebreak dancing kuno sila ni Lisa. Nakikitawa rin siya sa mga to.

Haaay. Rose. Ang lapit-lapit mo lang pero...

"Ba't ang hirap mo abutin?" Wala sa loob na nasabi ko. Napatingin siya sa akin.

"Alin?"

##o______o##

"H-Ha? Ah.. ano s-sabi ko yung..." napatingin ako sa mesa, "yung barbecue! Tama. Yung barbecue ang hirap abutin..."

Natawa siya saka tumayo para kumuha.

Napa-face palm na lang ako. Ang hopia mo JHope.

"Hobi, eto oh." Umupo siya ulit at inabot sakin yung plato na may barbecue. "Tumayo ka kasi. Wag kang tamad. Haha!"

Tumitig ako sa kanya. "Tamad agad? Di ba pwedeng hindi ko alam nung para sa akin ba talaga?"

Natigilan siya saglit tapos tumawa ulit at hinampas pa ako ng marahan sa braso. "Lalim non ah?"

"Rose. Naalala mo pa nung sinabi kong gusto kita?" Out of the blue ay nasabi ko. Wala na eh. Nasabi ko na, nagkaroon na ng initial conversation. Eh di ituloy na.

Bahala na ang Bangtan kung anong mangyari pagtapos ng usapang ito.

Pag nireject niya ko, di ba le na. Tatanggapin ko na lang. Gwapo pa rin naman ako kahit broken hearted ako---

"Oo."

Nasamid ako. Yung pagkaka-oo niya kasi parang tinanong ko lang siya nang 'Gusto mong barbecue?'

"Ah.. hehe.. ahm... Di ba sinabi ko sayo na sana eh... w-walang magbago sa'tin?" dagdag ko pa. Langya. Nauutal ako eh.

Tumango siya, "Mm-hmn?" Nakatingin siya kina Lisa na sumasayaw sa paligid ng bonfire pero alam kong sakin lang siya nakikinig sa mga sandaling to. (Ayos ang confidence Hobi, ah!)

Huminga muna ako ng malalim saka nagsalita, "Pwede bang bawiin ko na yun?" Katahimikan sa pagitan namin. >_< Syet nakakakaba pala to. "Pwede bang... may magbago sa atin? Ayoko na kasing... magkaibigan lang tayo."


Ayoko na kasing magkaibigan lang tayo.

Ayoko na kasing magkaibigan lang tayo.

Ayoko na kasing magkaibigan lang tayo.

' Yan. Nasabi ko na. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingon din siya sa akin.

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon