XXXVI

622 19 0
                                    

Jimin's POV

Tingnan niyo tong si Taehyung.

Bibili daw kaming pagkain tas eto naman, nakaupo lang kami dito sa may convenience store isang kanto mula sa ospital. Ang tahimik niya rin.

"Hoy Taehyung, napapano ka?" Tningnan ko siya, mukhang hindi niya narinig yung sinabi ko.

Siniko ko siya ng bahagya at nagulat naman siya sabay lingon sa akin, "Bakit?"

"May problema ka, ano yun?"

"Wala," nag-iwas siya ng tingin.

"Taehyung, matagal na tayong magakaibigan, kilala na kita."

Hindi siya sumagot. Okay. Hihintayin kong siya ang mag-open up. Alam ko namang ialng sandali lang iimik na yan. Pero ang tagal niyang magsalita, nauhaw na tuloy ako. Bumili muna ako ng canned softdrink at umupo sa tabi niya. Inalok ko siya pero ayaw daw niya.

Umiinom lang ako sa tabi iya habang siya puro buntong-hininga lang.

"Taehyung naman," saad ko at lumagok na lang ulit.

"Ang sakit pala, Jimin."

Nasa kalagitnaan ako ng paglagok nun kaya nasamid ako. Pumasok ata ang iniinom ko sa ilong ko, aaaackkk--- ang sama sa pakiramdam! Pwe!

"Ayos ka lang?" Tinapik-tapik naman niya ko sa likod. Nag-aalala yung mukha niya. May problema nga ito. Kasi kung wala, tatawanan niya ko at aasarin pa. Pero angs eryoso niya.

Hindi ako sanay. Hindi ganayan si Taehyung.

"Taehyung, a-ano ulit yun?" umuubong tanong ko. Baka kasi namali lang ako ng pagkakarinig eh.

"Sabi ko, ang sakit pala. Akala ko wala akong mararamdaman pag nakita kong magakasama sina Lisa at Suga pero... mali pala ako."

So gusto niya rin si Lisa?

"Matagal ko na siyang gusto, mga bata pa lang kami. Hanggang ngayon, ganun pa rin. Hindi pa rin pala nagbago..." Nakayuko lang siya habang nagsasalita.

Okay. Wala naman akong masabi. Hindi ko naman pwedeng sabihing ipaglaban niya yung nararamdaman niya para kay Lisa kasi kaibigan ko rin naman si Suga. Makikinig na lang ako sa mga sasabihin niya, dahil alam kong kailangan niya ng mapagsasabihan ngayon.

"Masaya ako para sa kanilang dalawa pero... nasasaktan pa rin ako eh. Pano ba to mawawala?" Tumunghay siya at tumingin sa akin.

"Ba, malay ko. Siguro humanap ka na lang ng iba. O di kaya ibaling mo sa iba ang atensyon mo."

Galing ko mag-advise!

"Oo nga no?"

Kitams.

"Alam ko na Jimin, tara mag-bar mamaya."

Nasamid na naman ako kahit hindi ako umiinom, at mas masama pala yun sa pakiramdam.

"Napakamasasamirin mo ata ngayon? Sign of ageing, Jimin?"

"Hoy, anong ageing? ganun talaga pag mga gwapo, masasamirin."

"Kaya pala lagi akong nasasamid."

"Taehyung naman.."

"Pero seryoso, gala tayo mamaya."

"Kahit nasa ospital pa si Suga?"

"Okay lang yun. Sina Rap naman ang magbabantay sa kanya. samahan mo na ko ha?"

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon