XII

1K 35 0
                                    


Lisa's POV

"Lisa?"

Narinig kong pagtawag ni Jisoo sa akin. Nandito kami sa kwarto daw ni Jin at RapMon. Magkatabi kami sa kutson dito sa sahig tapos tig-isa ng single bed sina Rosé at Jennie. Si Rosé nakatihaya at nagbabasa. Pero alam ko props niya lang yan.

Si Jennie nakatalukbong ng kumot. Hindi ko alam kung tulog na ba siya o ano.

"Hmn?" tugon ko at humiga paharap sa kanya.

"Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin. "You know, being here with him."

Ah. Si Suga.

"Ang epic ko kanina. Natawag ko siyang chugs." Ngumiti ako ng mapakla. Pag naalala ko yung reaction niya na parang nagulat siya bahagya sa tinawag ko sa kanya, naiinis ako. Hindi niya ba ko kilala talaga? As in?

"Kausapin mo kaya siya? Mukha namang mabait siya eh," suhestyon ni Jisoo. "Try it."

"Eh... ano kasi. Natatakot ako."

Hindi sumagot si Jisoo.

"Matapang akong babae. Pero bakit sa ganitong bagay lang natatakot ako?" tanong ko bigla. Tumihaya ako at tumingin sa kisame. "Am I this weak?"

"Well I think there are things that we can't control and we can't predict. Wag ka mag-alala, normal lang na takot yun. Di ibig sabihin mahina ka na."

Aww. Love you Jis.

"Thanks Jisoo."

Narinig namin ang malakas na tawanan mula sa labas.

"Ano yun? Gising pa sila?" tanong ko. Magtu-12 na eh.

"Tayo rin noh, gising pa. Pero mukhang may meeting sila eh," saad ni Rosé. Tiniklop niya ang libro niya at umupo. "Sa tingin niyo tayo ang topic nila?"

"Malamang. Yung bigla ba naman tayong nakitulog dito eh una sa lahat di tayo close sa kanila," natatawang sagot ko.

"Sorry guys ha?" Saad ni Rosé.

"Wala kang kasalanan no," sabi ni Jisoo. "Si Mr. Gillan kaya."

"Wag na nga natin pag-usapan ang gurang na yon," sabi ko. "Ay nako."

"Lisa pasaan ka?" Tanong ni Jisoo. Bumangon kasi ako.

"Mukhang tahimik na. Siguro nagsitulog na sila." I listened. Tahimik na. "Iinom lang ako."

"Okay. Tutulog na ko. Good night," tumagilid na si Jisoo. Si Rosé humiga na ulit at nag-goos night na rin.

"Good night," sabi ko saka lumabas.

Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko na bukas pa ang ilaw. So, gising pa sila? O sadyang bukas ang ilaw sa kusina nila?

Bumaba ako. Then may narinig akong nagsalita. Parang si Rap yun. Ewan. Babalik sana ko pataas nang marinig ko ang pangalan ko.

"...Kayo ni Lisa, anong meron sa inyo dati?"

Ewan ko pero biglang kumabog yung dibdib ko. Bumaba ako nang tuluyan at bahagyang lumapit sa kusina.

"Hoy Suga! Ano nga?" tanong ng isa.

Matagal bago sumagot si Suga.

"Ano bang sinasabi niyo?"

It was as if something inside me broke. It was painful.

"Chugs. Tinawag ka niya nun. Eh di ba nickname mo yun nung bata ka?" Si JHope yun for sure.

"Oo nga. Pero hindi ko alam kung bakit alam niya. Baka kaklse ko siya dati. Di ba nag-aral ako ng prep dito bago kami lumipat sa Korea?" Nasaktan ako sa sagot ni Suga.

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon