DISBANDING THIS BAND - PUBLISHED!

983 9 1
                                    


CHAPTER 1 PREVIEW


"Attention all passengers. We will be landing to Abbey Isle Airport in 5 minutes..."

Nag-inat-inat si Sue saka ginising si Jein. "Narito na tayo!" Excited na bulong niya. Nilingon niya sa may hulihan sina Tenn at Chaecy na nagpipicturean na. Kumaway si Chaecy pagkakitang nakatingin siya.

"We're here?" inaantok na saad ni Jein at tumingin sa paligid. "Ugh." Napatakip siya sa mata nang magsimulang bumaba ang eroplano. I really hate this damn motion sickness!

Makalipas ang ilang minuto, nakalabas na sila ng eroplano. Hila-hila ang mga maleta nila, nakisabay sila sa maraming tao papunta sa labasan.

Hinilot ni Sue ang kanang brasong may bitbit sa maleta. Magi-stay sila ng dalawang linggo sa islang to kaya marami siyang dinalang damit. Dala pa nila ang mga gitara nila. Nahili tuloy siya kay Tenn na drumsticks lang ang dala.

"Guys..." tawag ni Chaecy. "Hindi ba tayo bibili ng makakain? Baka hindi na ko umabot sa hotel. I'm gonna pass out of hunger." Nakanguso pa siya at nagpacute sa mga kasama.

Itinaas ni Tenn ang mga kamay. "Ako rin. Gutom na."

"Okay, bili tayo ng sandwich," saad ni Jein at tinuro ang natanaw na food hub.

Nagtatalon naman si Chaecy at nauna sa paglalakad. Sinundan siya ni Tenn na halata ngang gutom na rin.

Tig-iisang malaking chicken sandwich sina Sue, Tenn, at Chaecy, samantalang isang apple juice lang kay Jein.

Papalabas na sila ng food hub nang may marinig silang malakas na tilian.

Kunot noo nilang hinanap ang pinagmulan niyon.

"Kyaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!"

"BIIIII-TIIIII-EEEEESSSSS!"

Napatingin si Chaecy kina Jein. "Ano raw?"

Palapit na nang palapit ang pulutong ng mga babae at habang lumalapit ang mga ito ay narealize nilang hindi ito rally o terrorist attack.

May sinusundan sila.

"Sino yung mga yon?" tanong ni Sue na tinutukoy yung mga lalaking sinusundan ng pulutong. May mga goons silang kasabay maglakad na pinipigilan yung paglapit ng mga babae.

Nagbilang si Sue.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim... Pito. Pitong lalaki.

"Artista sila?" tanong ulit ni Sue.

"Mga miss, tabi!" sigaw ng mga naunang goons. Pero huli na dahil biglang dumagsa ang mga babae. Nadanggil silang apat at naiipit, nagkalayo-layo. Lumala pa kasi bigla ring naghiyawan ang mga babae na akala mo'y may sasabog na atomic bomb. May naglundagan, may kung anong pinag-agawan.

"Waaah!" sigaw ni Chaecy na naitulak at napaluhod. YUNG SAANDWICH KOOO! Naapakan, napirat, nasipa, at na-enjoy na nung sahig ang sandwich niya. Muntik pang maapakan ang kamay niya nang aabutin niya sana ito.

"Aaargh!" Naitulak rin si Sue at napatimbuwang siya sa maleta niya. May nanipa pa sa pwetan niya. "Sino yoooon!!!"

Si Jein naman nakatayo lang habang nadadanggil ng mga babaeng dumadaan. Nakatitig siya sa damit niyang NATAPUNAN NG APPLE JUICE. Yung damit niyang GUCCI. Yung binili niya sa nakuha niyang pera sa unang school concert nila. SHET.

Si Tenn naman naitulak na at natalapid. Bumaling siya papunta sa tabi pero may nanulak sa kanya kaya napasubasob siya at napahampas sa kung anong mabango at mainit. *Look up* Mga matang medyo natatakpan ng buhok ang sumalubong sa tingin niya kaya natakot siya at agad na napaatras. MUMU ba yon?! Nung makalayo siya saka niya narealize na tao pala ito. Napatingin siya sa hawak-hawak niya...

"Walanghya!" malakas na sabi ni Jein na kinabigla maging nung ilang nadaan. "Sino yung hinahabol ng mga yon?!"

"Bakit dito sila dumaan sa maliit na daanan?" saad naman ni Chaecy. "Yung sandwich ko tuloy.. *sniff*sniff*"

"Grabe naman yung mga yun?" naiiling na sabi ni Sue at saka pinagpagan ang sapatos.

"Hindi naman dapat magkakagulo eh," seryosong sabi ni Tenn, "kung hindi nila to inihagis." Iniangat niya para ipakita sa mga kasama ang isang fuchsia pink na beanie. "Malas lang nila, ako ang nakasalo." 💣📌


--DTB signing in...




Matawa. Maloka. Mainis. Maiyak. Mainlove. Ito ay kwento ng BTS at BLACKPINK sa isang [kakaibang] aspeto ng mga buhay nila.



-mam'ss





IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon