XXXVII

609 17 0
                                    


Lisa's POV



Hindi ko alam kung anong gimmick ni Jungkook pero hinayaan ko na lang nahilahin niya ko palabas.

Ang bilis niya pang maglakad.

Tapos bigla siyang tumigil nang di ko namamalayan kaya nabunggo ako sa likod niya. "Awch." Hinilot ko yung noo ko.

Humarap siya sa akin tapos parang naiinis ang mukhang binitawan ako.

"Bakit?"

"Lisa. Hindi ko alam kung insensitive ka lang ba o ano."

Napataas ang isa kong kilay. "Insensitive? Ako? At pano mo yan nasabi ha?"

Tiningnan niya lang ako, umiling, tapos tumalikod na ulit at naglakad.

Tumakbo ako para abutan siya. Naiinis na ko.

"Jungkook! Hoy!" Hindi niya ko pinansin hanggang makalabas kami ng hospital. Dirediretso lang siya sa paglakad tas ako eh nakasunod lang sa kanya. "Jungkook, sandali nga. Hindi ko lang kasi na-gets eh. You pulled me away, called me insensitive tapos hindi mo sasabihin kung bakit."

Humarap na naman siya sa akin nang biglaan at hindi ko inaasahan. Tuloy ay muntik na naman akong mabunggo sa kanya. Buti nakatigil ako agad.

"Bakit mo sinabi yon?"

"Ang alin?"

"Yung gusto ako ni Jisoo."

Napatitig ako sa mukha niya. Bakit ba galit siya? Biro lang yon.

"Inaasar ko lang si Jisoo. Bakit ba? Hindi mo naman kelangang magalit kung ayaw mo. Ang kj mo---"

"Hindi ako kj."

Namumula na siya sa inis. Seriously. Haha. Sarap niyang picturean kasi ang cute niyang mainis. Natatawa tuloy ako.

"Anong nakakatawa?" seryosong saad niya.

Pinigilan kong tumawa. "Ang cute mo kasing inisin. Bakit ba kasi inis na inis ka? Anong masama kung i-ship kita kay Jisoo ha?"

"May ship-ship ka pang nalalaman." Lumakad na naman siya.

"Teka nga. Ano ba kasi talaga?"

"Fine. Sasabihin ko sayo. Si Rap hyung, gusto niya si Jisoo. Okay? Kaya kay Rap mo siya asarin. Wag sa akin."

Talaga? Si RapMon? Si Jisoo? Wah. Bagay naman sila.

"Kung sinabi mo agad." Epic fail pa tuloy ako sa pang-aasar kay Jisoo. Pero tiningnan ko si Jungkook ng matiim.

"Ano? Bakit tinitingnan mo ko ng ganyan?"

"Kung gusto ni Rap si Jisoo... paano ka na?"

"Tss." Tinalikuran niya ko saka pumasok sa loob ng convenience store. Sumunod ako sa kanya.

"Vanilla." Sabi ko nung pumipili na siya ng flavour. Kumuha siya ng 1 gallon.

"Hindi ko gusto si Jisoo okay?" Dinala na namin sa cashier yung binili namin.

"Okay. Sinabi mo eh." Nakita ko na may coffee pudding sila. Kumuha ako ng isa. "Jungkook, eto'ng ibigay mo kay Jisoo. Favorite niya."

Tiningnan niya ko ng masama. "Hindi ko nga siya gusto."

"Okay. Okay." Natatawang saad ko. Naiinis na naman siya eh. "Hindi mo siya gusto kasi gusto siya ng hyung mo---"

"Hindi ko siya gusto kahit pa hindi siya gusto ni hyung kasi ikaw---"

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon