XIX

835 25 1
                                    

Rose's POV

"Bibili lang ako ng gamot." Paalam ko kina Lisa at Jennie pagbaba namin ng kotse.

Wala naman silang lagnat pero masakit ang ulo nila, kaya bibili muna ko ng paracetamol. Wala pala kaming gamot sa medicine kit namin eh. Puro ointments ang laman.

Maglalakad na lang ako. May malapit na botika sa may highway. Mga 5 minutes kong lalakarain yun.

Hindi ko maiwasang hindi isipin si Jennie at Lisa habang naglalakad.

They are in an emotional pain, at masahol pa yun sa physical pain. Kasi kung nasugatan ka pwede mong lagyan ng band aid at iinom ng pangtanggal sakit tapos wala na. Eh yung emotional? Kahit yata uminom ka ng isang katerbang gamot wala pa rin.

Paano ko ba sila matutulungan? Kausapin ko kaya si Jin?

Si Suga?

Napailing na lang ako habang naglalakad. Baka naman isipin nilang pakialamera ako?

Hindi naman siguro. Mababait naman yung mga yon. Kaso si Suga mukhang masungit.

Nakarating ako sa botika nang hindi ko namamalayan. I bought a dozen tablets. Paracetamol lang naman eh. Inilagay ko sa paper bag yung gamot saka yung phone ko.

Palabas na ko nang may mapansin akong tatlong kotse sa labas.

Bigla akong kinabahan.

Oh no! I need to take cover---

Tatago na sana ako kaya lang huli na. Nakita kong may mga lalaking lumabas mula sa mga sasakyan at naglakad papunta sa akin.

Mga alipores ni Mr. Gillan.

Nakapasok sila sa botika at pinaligiran ako.

"Hindi ako sasama sa inyo!" saad ko agad. Alam ko namang pilit nila akong isasama.

"Really? Kahit sabihin kong utos mismo ng Dad mo?"

I felt like my heart suddenly stopped beating.

That voice. . .

Tumabi yung mga lalaking nasa harapan ko para padaanin ang amo nila.

Jisung.

I looked at his unsmiling face. His authoritative aura really gets my guard down. Kelan pa siya umuwi?

"Shocked to see me, hmn, Roséanne?"

I gritted my teeth. Shocked and angry at the same time.

"I guess we don't need pleasantries here? Let's go." Sabi niya na parang pagmamay-ari niya ko saka tumalikod siya.

"No!" inis na sigaw ko.

"Oh really? Ayaw mo? Well, mukhang wala na kong magagawa kundi sabihing palayasin na sa opisina niya si Mr. Park. Ano sa palagay mo?"

Damn this guy!

"Binablackmail mo ba ko?" gigil na saad ko.

"Well, if that is how you see it." He smirked then turned to his men. "Bitbitin niyo yan. Pag ayaw, use force."

What the hell?!


Hinawakan ako nung dalawa sa mga body guards niya sa magkabilang braso.

"Let me go!"

"Ma'am sumama na kayo para di kayo masaktan," sabi nung isa.

Sht.

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon