XLVIII

479 15 1
                                    

ROSE's POV


Napatitig ako kay JHope, pero siyempre, pasimple lang, habang kausap niya si Ella. Mukhang seryoso yung topic nila kasi wala silang kangiti-ngiti.


"Rose, sana wag kang magalit sa akin. O wag mo kong iwasan. Hindi ko naman hinihingi na magbigay ka ng sagot mo. Basta... sana walang magbago sa atin." 


Sincere naman siguro siya doon sa sinabi niyang yon. Pero yung huli, hindi ko yata gusto.


Sana walang magbago sa amin? So forever na kaming "ganito" lang?


>,< Parang ang landi naman nong pakinggan! Haha!


Napatingin siya sa akin kaya naman agad akong bumaling kay Jennie na nasa gitna namin ni Lisa.


"Jennie, ano, ahm..."


Tumingin sa akin si Jennie nang nagtataka. kausap niya ata si Lisa at si Suga. "Ano yon?"


"W-Wala naman. Ah.." Sumulyap ako kay JHope.


O___O


Bakit nakatingin pa rin siya!?


Tumungo ako at tumingin na lang sa cellphone ko. Sakto tumatawag si Jisoo. Tumayo ako agad at pumunta sa may pintuan. "Hello Jis, nasaan ka ba?"


"Papunta na kami diyan ni Honey este ni Jimin!" Nakarinig ako ng pagtawa sa background. Teka, tawa ba ni Jimin yon? "Ah Rose may sasabihin ako sayo. Pero sa atin lang to ha."


Medyo hindi maganda ang feeling ko dito eh. "Ano yon?"


"May favor kasi tong si Jimin sa akin. Kunyari girlfriend niya ko---"


"Ano?! Girlfriend ni JIMIN?!"


Napalingon sa akin ang mga kasama ko. Tumango ako para humingi ng sorry at hininaan ang boses ko. 


"Sorry Jis, ano ulit?"


"Kunyari lang. Basta ipapaliwanag ko sa inyo mamaya. Kailangan lang namin ng.. kakuntsaba para maging mas kapanipaniwala."


"Teka para saan ba yang gimmick niyong yan?"


"Kita mo yang si Seulgi--Ella? Medyo may something sa kanila ni Jimin pero dati pa yon. Eh... nakiusap tong isa na kung pwede kunyari kami. Ewan ko ba dito, hindi pa ata nakakamove on."


Natawa ako. "Eh anong gagawin ko?"


"Kunyari alam mo. Kasama namin si Jungkook at akala niya kami talaga. So mamaya sasabihin namin na ikaw yung may alam. OK?"


"Ahm, sige na nga." nag-hung up na siya at bumalik na ko sa upuan. Nagulat ako kay Jisoo. Ano kayang nakain non at pumayag siya. Tumingin ako kay rap. Oh my. Anong iisipin ni Rap ngayon? Sabi pa naman ni Jisoo na umamin na 'to sa kanya. Haay. Bahala nga sila ni Jimin.

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon