VI

1.1K 41 4
                                    


Lisa's POV


"...We keep this love in a photograph
We made this memory for ourselves
And our eyes are never closing
Hearts are never broken
Time's forever frozen still..."

Napapikit ako habang dinadamdam yung bawat nota... yung bawat bitaw ng salita... yung timbre ng boses niya.

Kanina nakita ko yung picture na nakapaskil sa may dingding ng Bangtasté (parang billboard, imaginin niyo na lang) natuon agad ang pansin ko sa kanya. Nang makita ko yung mga mata niya pati yung ngiti niya, alam ko at ramdam ko na agad...

"...and if you hurt me that's okay baby
Only words bleed
Inside these pages you just hold me
I won't ever be alone
Wait for me to come home."

Nagmulat ako at nagtama ang mga mata namin.


My heart skipped a familiar painful beat.


Chugs...



"Lisa! Lisa! Look at this flower bouquet. I'll give those to you when I'd be proposing to you," cheerful na sabi ng 6 years old niyang kababata sabay pakita ng picture ng isang bouquet ng purple lilies na nasa ipod niya. Si Chugs, her first best buddy, her first playmate, her first love...

"Nyek? Chocolate na lang makakabusog pa yun," kontra ng lilimang taong si Lisa. Pero natuwa siya sa sinabi ni Chugs.

"Haha! Okay, a bouquet of chocolate roses then. Basta promise mo hihintayin mo ko ha?"

"Oo nga di ba? Promise mo rin na bibilisan mo lang dun, baka mainip ako, sige ka!" She jokingly said. She would never get tired of waiting for a promise by a loved friend.

Thirteen years has passed and when she decided to let go of that promise, saka naman sila nagkita ulit.

"Miss? Okay ka lang?"

Napamulat ako nang may isang lalaking nagsalita at napaatras dahil ang lapit ng mukha niya sa akin.

He had a somewhat playful aura in his face.

"Bakit ka umiiyak? Hindi ba masarap yung kape?" tanong pa rin nito.

Agad kong pinunasan ang pisngi ko at huminga ng malalim. I cried? Hindi ko namalayan.

"Wala bang lasa yung kape o nasobrahan kaya?"

"No it's fine," saad ko at kinuha yung wallet ko. I better get my bill. "Magkanong bill ko?"

"Ah sandali," tumalikod siya saglit saka pumunta sa counter.

Tumingin ako sa unahan pero wala na si Chugs. Asan na sya? Nakita niya naman siguro ako no? Nagtama ang paningin namin kaya siguradong nakita niya ko.

"Miss eto na," nakangiting sabi nung lalaki kanina.

I gave him the payment saka ako tumayo pero hinawakan niya ko sa kanang braso.

"Kung sino man yang dahilan ng pag-iyak mo, gago siya. Girls are meant to be made happy, not miserable." Kumindat siya saka inilahad ang kamay. "Park Jimin pala."



I awkwardly smiled, "A-Ahm... I'm L-Li---"


"Lisa?!"


Napatingin ako sa lumapit sa amin. "Mr. Cap?!"



"Mr. Cap?" kunot-noong tanong ni Jimin habang papalit-palit ang tingin sa amin.



Bigla akong hinawakan ni Mr. Cap sa magkabilang balikat. He looks so much relieved. "Binalikan kita dun pero wala ka na. Thank God you're alright!"


"U-Umuwi na din ako agad... ahm, sorry kung sinigawan kita," saad ko.



"Teka?" Hinila ni Jimin si Mr. Cap palayo sa akin. "Kookie, siya ba yung babaeng sinasabi mo?"


"Oo hyung, siya nga," nakatingin sa akin si Mr. Cap.


"Nyay! Kaya pala worried much ka eh, ang ganda-ganda niya!" saad ni Jimin na nakatingin din sa akin.



"Grabe ka hyung, parang sinabi mong nakabase ako sa physical appearance," saad ni Mr. Cap--- wait. I need to ask for his name.



"Mr. Cap! Este--- uhm... Ano pala'ng pangalan mo?" tanong ko.



"Jungkook." Ngumiti siya at inilahad ang isang kamay.


"Thank you Jungkook," tinanggap ko ang pakikipag-shake hands niya, "di pa ko nakakapag-thank you sayo."


"Wala yon--"



Pero biglang may humila sa akin at ilang saglit lang nasa likuran na ko ni Jennie.



"Hina-harrass ka ba ng mga to?" tanong niya bigla. Yung mga customers napatingin sa amin.



"Jennie--" hinila ko si Jen sa isang braso para lumabas. Yung ibang crew kasi, na sa tingin ko ay mga may-ari din, nakatingin at palapit na sa amin.



"Jen, let's go," saad ni Rosé na hinihila naman si Jennie sa isa pang braso.



"I am just asking," saad ni Jennie kay Rosé at tumingin sa 'kin. "Hina-harrass ka ba ng mga to?"


"Hindi!"


Tumaas ang kilay ni Jennie at inalis ang mga kamay namin ni Rosé na nakahawak sa kanya.


"Okay. Tinatanong ko lang naman," sabi niya saka tumingin sa kabuoan ng Bangtasté. "Bakit ka pala nandito Lisa?"



"Ha? A-Ah..."


"Anong problema dito?" Isang matangkad na lalaki ang nagtanong, umakbay siya kay Jungkook.


"Rap, iyan yung babaeng kinuwento ni Kookie sa'tin." Saad ni Jimin.


"Ha?" tiningnan nung Rap si Jennie. "Siya yon?"


"Ah. So ikaw pala yung walang backbone na nang-iwan kay Lisa dun sa madilim na area na yon?" saad naman ni Jennie habang nakatingin kay Jungkook.



"Teka Jimin, sino ba talaga? Mukha kasing sadista 'tong sinasabi mo," saad ni Rap na obviously si Jennie'ng tinutukoy.



"Sadista? Sinong mukhang sadista?!"


"Jen! Tara na nga," saad namin pareho ni Rosé.


"Ano ba 'to? Akala ko ba aayusin mo Rap, eh ba't parang gumulo lalo?" another tall guy with an apron approached us.


"Chill bro." Nag-heart sign yung Rap.


"Lisa tara na nga," biglang saad ni Jennie at tumalikod ba naman agad-agad.



"Jen!" Sumunod kami ni Rosé sa kanya.



Anong nangyari dun?



"Lisa!" Nilingon ko si Jungkook.


Tinanguan ko siya at nginitian, then natuon ang paningin ko sa lalaki sa gawing likuran niya.



Biglang nagslow motion lahat sa paligid...



Chugs...



"Lisa, let's go," hinila ako ni Rosé. I nodded and went out with her.


Nang lingunin ko, wala na ulit si Chugs dun.



Hindi niya ba ko nakikilala?




O kinalimutan na niya ko?























--Omo! Sino sa kanila si Chugs? Si JHope? Si Suga? Or si Taehyung?

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon