LVI

426 15 1
                                    


5:04 am.

Inilagay ni Jin ang huling maleta sa likod ng van. May sapat pang compartment para kina Jennie.

Sina Jimin, Taehyung, Jungkook at JHope ay nauna nang pumwesto sa loob. Nagpagkasunduang siya at si Rap ang halili sa pagdadrive.

"Asan na ba si Suga?" tanong niya kay Rap na nahuling lumabas sa bahay.

"Alam mo naman yun, dadalhin non ang buong supply niya ng toiletries?" pabirong sagot ni Rap at sumakay na at pumwesto sa passenger seat.

Sumilip si Jin sa loob ng van. Kasunod ng driver's seat ay 3 empty seats, mukhang don pauupuin sina Jennie. May isa pang folded seat sa tabi non kaya pwede silang apat doon. Sa sunod ay sina Jungkook, Taehyung, at Jimin. Sa huli si Suga at Hobi. Magmamaktol na naman yung si Suga.. Gusto non sa unahan eh. Natawa si Jin dahil naiimagine na niyang makikipag-agawan yun ng pwesto kay Rap.

"Wah. Excited na ko!" Lumingon si Jin sa kalalabas pa lang na si Suga. May dala itong dalawang bag.

"Oi Suga! Hindi ka na ba babalik?" Biro ni Jimin mula sa loob. Nagtawanan sila nina Taehyung.

"Oo. SA KOREA NA KO TITIRA."

Natahimik yung tatlo. Si Jungkook, naglagay ng earphones at pumikit. Si Jimin tinulungan si Suga.

"Nasan na sila Lisa?" tanong ni Suga at tinanaw yung kabilang bahay.

"Nasa kanila pa. Pupuntahan ko lang," sabi ni Jin at lumakad palayo.

"Sama!" sabi ni Suga at sumunod rin si Jimin.

"Oi Hobi. Bakit di mo sunduin si Rose?" tanong ni Taehyung.

"Ha? Ah.. masakit ang tiyan ko eh." Nagtalukbong ng jacket si JHope at di na gumalaw.

"Wag niyo kong gigisingin ha," sabi ni Rap at naglagay ng earphones, eye mask, at humalukipkip.

Nagtaka naman si Taehyung. Akala niya magdadrive si Rap? Pano yun? Nilingon niya si JHope at napaisip, may nangyari kaya?

Ang alam niya, kahapon sumunod sa pamimili yung dalawa tapos umuwi nang walang kaimik-imik. Ano kayang meron? Tatanungin niya sana si Rap nang matanaw niya sina Jin. Kasama na sina Lisa at mukhang may ineexplain si Jennie.

Nang makalapit yung anim saka niya narinig.

"...kaya ko namang magdrive eh," sabi ni Jennie. "We'll bring our car---"

"Ayoko nga," pagigil na sabi ni Jin pero mahina lang ang boses niya. "Dito kayo sa amin sasakay."

Sumingit si Lisa. "Look Jin, marami nang laman ang van. Much better kung bubukod kami. Saka susunod naman kami sa inyo."

"Tss." Tumalikod si Jin.

Nag-alis ng talukbong si Jhope saka sumilip. "Dito na lang kayo. Tapos kami na lang sa kotse niyo."


Tumingin sa kanya si Lisa, "Pwede rin---"

"We do have our own car. At marunong kami magmaneho." Saad ni Rose.


Kunot-noong tiningnan siya ni Lisa at Jennie.

Tuluyang inalis ni JHope ang jacket at lumabas ng van.

Si Rap, nakatingin na rin. Si Taehyung, Jungkook, Jimin, Suga at Jin, pare-parehong nagtataka.

"Bakit ba? Nagsorry na nga kami ni Rap ah? Aish." Kumamot ito sa ulo na parang nangungunsumi. "Rap. Mag-explain ka nga."


IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon