XL

580 17 3
                                    


Jimin's POV

Kung nakailang ikot nang kalalakad si Jin, hindi ko masasabi. Ako na nga ang nahihilo sa ginagawa niya eh.

Hindi ko rin alam kung matatawa ba ako o maaawa sa mga kaibigan kong ito.

Si Suga, nakahiga at nakatakip ang isang braso sa mata. Tingin ko biglang lumala ang kondisyon niya sa itsura niyang yon.

Si JHope naman tulala sa sulok, katabi si Rap na kanina pa hugot nang hugot ng hininga.

Si Jungkook at Taehyung magkatalikuran habang nakaupo sa sahig.

"Aaargh!"

Nagulat kami pare-pareho kay Jin. Umupo siya sa kama ni Suga. "Kasalanan niyo to eh!" sabi niya sa amin.

"Hyung naman. Kamalayan ba naming yung isang babae sa bar eh anak ng may-ari nitong ospital na to?" katuwiran ni Taehyung. "Tsaka sino bang hinabol nung Alice? Di ba ikaw?"

Namula si Jin. "Pero kung hindi kayo pumunta sa bar na yon---"

Tumayo si Rap. "Wag na nga tayong magsisihan. Nangyari na eh."

"Tama." Sabi ko.

Tumingin sa akin si Rap. "Wag ka nga Jimin. Kung hindi mo kinunsinti tong si Taehyung eh di sana..."

"A ah wala raw sisihan eh." Ngumuso ako kunyari. Pero di tumalab. Malay ba naming makikilala kami ng mga girls na yon? Hirap talaga pag gwapo. Aish.

"Alam niyo, wala tayong dapat sisihin sa mga sarili natin," saad ni JHope. Tumayo pa siya at umakbay kay Rap. "Dahil una sa lahat, wala tayong kasalanan kung gwapo tayo."

"Orayt! Yan ang pinakamagandang nasabi mo Hobi," sabi ko at umapir pa sa kanya.

"Umayos nga kayo," saway ni Jin. 'Ta nyo to, napakaseryoso eh.

Lumapit ako kina Taehyung at Jungkook. "Grabe ang tahimik ah? Wag niyo kaisipin." Alam ko kasing nag-aalala sila kasi galit si Lisa.

"Galit sila sa atin Jimin. Iniisip siguro nilang babaero tayo." Sabi ni Jungkook. "Tapos nagsinungaling pa tayo. Nakakaguilty lang."

"Bakit nga ba tayo nagsinungaling?" biglang tanong ni Suga. "Di ba? Bakit hindi natin sinabi?"

Rap: "Kasi baka magalit sila."

"Bakit natin inisip na magagalit sila?" -Jin

JHope: "Kasi..."

Nagkatinginan kaming lahat.

Si Rap biglang nagliwanag ang mukha. "Sabi ni Jisoo, maniniwala na raw sana siya kay Kookie..."

Si Hobi naman napangiti. "Narinig niyo ba... yung sinabi ni Rose bago siya lumabas?" (Pinaliit ang boses) "'Nasasaktan ako JHope, alam mo ba yun?'" (Lumapit kay Rap at humawak sa balikat nito) "Naiisip mo ba'ng naiisip ko Rap?"

Marahang ngumiti si Rap. Si Jin napangiti rin.

Teka???

Anong na-gets nila na di ko ma-gets???

Mayamaya si Suga bumalikwas ng tayo. "Nagseselos ba sila?!"

Sabay-sabay tumawa yung lima. Si Suga, humarap kina Jungkook at Taehyung. "Nagseselos nga sila."

Agad tumakbo papunta sa pinto si JHope.

"Pasaan ka Hobi?" tanong ko.

"Kakausapin ko si Rose!"

Pinigilan ko siya. "Alam mo ba kung san siya pupuntahan?"

"Hindi. Pero hahanapin ko sila." Lumabas siya, sumunod naman sina Jin at Rap.

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon