LXX

449 8 1
                                    


RAP's POV

"Rap, Rap! Gising!" Nagising ako sa sunod-sunod na pagliglig ni Jin sa akin. Nakatulog na pala ako sa may mahabang silya sa labas ng ICU. Tumingin ako sa cellphone ko, 4am na pala.

"Bakit?"

"Si Suga, gising na siya." Niyakap ako ni Jin.

"Talaga? Mabuti naman!"

Salamat naman at nagising na siya. Thank You Lord!

Tumayo na kami at sumilip sa kwarto ni Suga. Nasa loob ang mama niya at yung doktor pati yung doktor na taga-Korea.

Nakita ng mama ni Suga na nakatingin kami, tapos bigla siyang lumabas. Ewan ko kung tatago ba ako o ano. Tingin ko kasi masakit siyang manampal eh!

"Ma'am," saad ni Jin. "Kamusta na po si Suga?"

Nakahinga ako ng maayos nang ngumiti siya. Tapos niyakap niya ako. Nang bumitaw siya, mangiyak-ngiyak siyang nagsalita sa akin, "Hindi pa ako nakakapagpasalamat sayo. Kung hindi mo siya nakita agad..."

"W-Wala po iyon... Pero kung hindi po sana kami gumala—"

Umiling siya. "Sorry kung sinisi ko kayo. Isa lang akong ina at... natakot ako nang sobra nang marinig ko ang nangyari."

"Naiintindihan po namin," sabi ni Jin. Tapos niyakap rin siya ng mama ni Suga.

"Pagmulat na pagmulat niya, kayo agad na mga kaibigan niya ang hinanap niya," sabi niya sa amin. "Pumasok kayo para makausap niyo siya."

"Opo," nagkatinginan kami ni Jin at sabay na nagsanitize. Nagsuot ng hospital coat bago pumasok.

May nakalagay na oxygen mask sa kanya pero pinatanggal niya yon dun sa isang nurse.

Matagal kaming nakatingin sa isa't isa. Nandun pa si Dr. Jung at nasa labas naman yung mama ni Suga kaya medyo nahihiya ako. Nahalata ata nila kasi nagpaalam si Dr. Jung kasunod ang mama ni Suga at yung isang nurse.

Nung kami na lang tatlo na lang, yumakap ako kay Suga. Kung kagabi parang ang dami kong naiisip na sasabihin sa kanya, ngayon eh umiyak lang ako. Sobrang saya ko lang.

Si Jin umiiyak rin. Gaya nang pag-iyak niya kahapon kay Jennie.

"Tss.. Ano ba yan? Ang papangit niyong umiyak," mahinang sabi ni Suga. Tumayo na ako at nakita kong nakangiti siya nang bahagya. Niyakap siya saglit ni Jin. "Para tuloy ayokong mamatay niyan. Nakakairita pala ang mga mukha niyo pag umiiyak."

"Gago," sabi ko na tinawanan niya lang.

"Siyempre joke lang yung mamatay ako. Mahaba pang buhay ko no," sabi niya. "Asan yung ibang nagmamahal sa akin?"

"Nasa bahay na. Kami lang ni Rap ang naiwan dito," si Jin. "Tatawagan namin sila para sabihing buhay na buhay ka na uli."

"Gusto ko na ring umuwi," nakamungot na sabi niya saka tiningnan ang brasong may nakatusok na karayom. "Hindi bagay sa gwapong tulad ko ang damit dito."

"Puro ka kalokohan," saad ko. "Sabi ng doktor mo, pag nagising ka na at nakabawi kahit papano eh lilipad ka na pa-Korea."

Tumango si Jin. "Oo nga, mukhang hindi aalis ang nanay mo nang hindi ka kasama."

"Pinagalitan niya ba kayo?"

Napatingin sa akin si Jin. Nabasa ko sa tingin niya na wag kong sabihin yung tungkol kay Taehyung.

"Oo naman. Sino bang magulang ang matutuwa? Pero... si Taehyung yung pinakanapagalitan."

"Ganon ba?"

"Suga," saad ni Jin at napatingin kami sa kanya. "Uuwi ka ba bago ka pumunta sa Korea?"

"Oo naman!"

Buti kung ganon.

Gusto sana naming magtagal pa kaya lang dumating na yung doktor at pinalayas kami. Masyado raw kaming istorbo. Pero sinagot niya naman kami nung tinanong namin kung kailan lalabas si Suga.

"We'll run a few more tests first thing in the morning, then if nothing goes wrong, he will get discharged by afternoon. At kinabukasan rin ang flight papunta sa Korea..."

Pag-alis sa ICU, pumunta kami ni Jin sa hospital cafeteria para doon mag-almusal.

"Aalis nga sila agad-agad," sabi ni Jin habang kumakain kami.

"Ano pa bang aasahan natin? Pero mabuti na rin yon para makapagpagaling na kaagad siya," saad ko naman.

"Sabagay. Eh pano, uuwi tayo kasabay niya?"

"Oo. Pero magko-commute tayo."



-



"ANO?" Napatitig ako kay Jin hyung dahil sa sinabi niya nung pabalik na kami sa room ni Suga. Kanina tinest siya at inilipat na rin siya sa regular room. Hindi lang kami makapasok kasi naroon ang mama niya. Nakakatakot pa rin kaya sa labas lang kami nagi-stay. Bukas pa pala ng umaga ang uwi niya.

"Sabi ni Jennie, susunduin niya raw tayo bukas." Napapangiting sabi ni Jin.

"Parang nakakahiya naman..." sabi ko. Kanina nakausap ko si Jisoo. Hindi ko nga binanggit na commute kami pauwo kasi alam kong may sasakyan sila. Baka mamaya niyan eh sunduin pa kami dito. May kalayuan din kaya ito sa amin.

"Sinabi ko nga na huwag na pero kilala mo naman si Jennie," sabi ni Jin.

"Tingin mo kasama sila Jisoo?"

"Nabanggit ni Jen na maghahanda raw sila nang pananghalian kaya posibleng siya na lang ang sumundo sa atin."

"Ah okay."

Namimiss ko na si Jisoo.

Aalis na rin nga pala siya. Napapangiti pa rin ako pag naaalala ko yung pag-uusap namin kanina. "Pasensya na Jish, dapat sana sinusulit natin tong kokonting oras na magkasama tayo pero heto ako, ni hindi ka man lang naiintindi. Sorry."

"Ano ka ba naman? Hindi ako shallow ano. Naiintindihan kita Rap. At... ito yung mga pagkakataong sobra akong humahanga sa'yo kasi nagpapakatatag ka para sa mga kaibigan mo. Nakikita ko kung gano ka katatag..."

Jisoo.

"Rap, ako nga yung dapat magsorry sayo eh. Kasi ako yung aalis."

"Sinabi ko naman sayo na wala yun sa akin di ba?"

"Oo, lagi ko yang tatandaan. Rap?"

"Hmn?"

"Proud ako sa boyfriend ko."

"Salamat, Jisoo... I love you." Narinig kong tumawa siya. Nag-init ang tenga ko. "Wag mo kong tawanan. Hindi nga ako sanay na magsabi ng mga ganon---"

"I love you, Rap. Ahm, hang-up na ko. Bye bye. See you tomorrow!"

"Sige... ingat kayo diyan."

"Rap."

Napalingon ako kay Jin na umiinom ng bottled juice.

"Ang pangit mo kiligin." Tapos tumawa siya nang malakas na akala mo siya lang tao sa hallway.

Binato ko siya ng bote ng coke.

Napatingin sa amin yung mga nurses na dumadaan.

"Rap, alam mo, minsan naiisip ko na may phobia na ako sa mga ospital." Bulong ni Jin.

Natawa ako. Naalala ko nung naospital rin si Suga.

Grabe. Hindi ko na uulitin yun! May mas nakakatakot pa sa mama ni Suga eh!!!






IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon