X

1K 40 1
                                    

Lisa's POV

"Ano'ng balak mo? I mean, kakausapin mo siya or what?" tanong ni Rosé. Si Jisoo tahimik lang habang nagddrive at nakatingin lang sa labas ng bintana si Jennie pero alam ko na ang dami rin nilang tanong.

"Siguro... ewan. Hindi niya kasi ako pinansin eh," I said ang played with my phone. "I don't know kung sinadya na ba o hindi niya lang ako nakilala."

"How?" Biglang baling ni Jennie. "How are you sure that it was him? I mean, 13 years? Tapos nakilala mo agad siya?"

I smiled. Funny how I have remembered... "Yung mga mata niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Pati yung pagngiti niya, siya yun."

"May photo ka ba niya?" tanong ni Jisoo.

"Mm," kinuha ko yung wallet ko. May isa kaming photo, kinunan yun nung graduation namin ng prep school, ilang weeks bago siya umalis. Nakaakbay siya sa akin at hawak ko yung keychain na regalo niya-- a G-clef and a note.

I showed it to Jennie. Kumunot yung noo niya saka nag-cross arm.

"Patingin nga," inabot ni Rosé yung photo at pinakita kay Jisoo. "Oo nga ano? Kamukha nga nung isa sa kanila? Ano kayang pangalan..."

"Di ba siya yung nagserve sa 'tin?" Nakangiting saad ni Jisoo. "Yung maputi?"

"So what will you do now Lisa?" seryosong tanong ni Jennie. "Eto na yung hinihintay mo."

Hindi ako makasagot. Para kasing hindi ko siya kayang lapitan... Pano kung hindi niya ko kilalanin? Pano kung nakalimutan na niya yung promise niya? Pano kung...

"Are you afraid that he's not the Chugs you know?" tanong ni Jisoo. Minsan talaga sapul siya kung magsalita.

I smiled. Bakit ganun? Nasasaktan ako?

"Hey Lisa, don't worry. Malay mo naman nakilala ka niya pero pareho kayong naiilang sa isa't isa," sabi ni Rosé. I do love her encouraging side!

Tumango ako. Sakto malapit na kami sa bahay. Paliko na sana si Jisoo sa kanto, nang bigla siyang tumigil.

"Jisoo bakit?" tanong ni Jennie.

Kunot noong nakatingin si Jisoo saka tumuro. "Kotse ba yun ni Mr. Gillan?"

"Shocks," react ni Rosé. "Baka hilahin niya ko pauwi! Ayoko!" Halatang natatakot siya.

"Lalabas ako at--" Hinawakan ako ni Jennie sa braso.

"Don't." Tumingin siya sa may likuran. "Maybe he hasn't seen us yet. Jisoo ibalik mo yung kotse."

"Okay," kabadong sagot ni Jisoo. Sabagay, kahit ako kinakabahan. Maraming alipores si Mr. Gillan. Nalaman niya na kung nasan kami nakatira at siguradong hindi niya titigilan si Rosé.

"Wag ka mag-alala Rosé, hindi kami papayag na kunin ka niya," saad ni Jennie.

"Pero..." her voice broke. Kilala ko si Rosé, matatag siya pero sa bagay na to, madali siyang umiyak.

"San tayo pupunta?" tanong ni Jisoo. "Sa café?"

"No, mapupuntahan niya tayo  dun." Sagot ni Jennie. "Rosé, asan na yung number ni J-Hope?"

"What?!" -kami ni Jisoo.

"Jen, sigurado ka?" -si Rosé.

Hindi ko inexpect na siya yung magsa-suggest nun.

"It's our only option. Saka... mukha namang sincere siya dun sa sinabi niyang tutulungan ka niya," Jennie smiled. "Too bad we need his help now at mukhang wala tayong ibang option."

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon