II

1.9K 53 3
                                    

Umupo si Lisa para itali ng maayos ang sintas ng rubbershoes niya. Sabi niya kina Jennie susunod siya sa pag-oocular visit ng mga to sa pwestong napili nila para sa business na itatayo nila. College bestfriends sila at pagkagrad, naisip nilang magtayo ng business. Supportive naman ang families nila kaya in less than a year nakaipon sila ng pondo para pasimulan ang isang café.


Sayang nga lang at hindi siya nakasama. Inasikaso niya kasi yung business permit na kelangan nila. Buti na lang medyo mabilis ang processing kaya bago mag-3pm natapos siya.


Nagring ang phone niya. Si Jisoo tumatawag.



"Hello Jisoo?"



"Lisa! Kamusta? Tapos ka na ba?"


Napangiti siya sa narinig na excitement sa boses nito. "Oo. Ano, kamusta ang ocular visit? Pasado ba?"


"Oo naman. I can feel that our business will bloom."



"Sige, tiwala ako sa instinct mo. Eh kamusta pala yung sinasabi niyong katabing café?"



"Ah. Okay lang kasi iba naman yung concept na naiisip natin. Tsaka sa tingin namin purely masculine yung concept nila, unlike sa naiisip natin na females ang target customers."




"Mmm... buti kung ganun. Pauwi na rin ako naghihintay lang ako ng----"



Hindi naituloy ni Lisa ang sasabihin nang may humanggit sa phone niya at kumaripas ng takbo.



"Hooooyyyy!!! Phone ko yan!!" Tumakbo siya para habulin ito. Aba, runner kaya siya nung highschool kaya mabilis siyang tumakbo.



"Tigiiiiillll!!!" Hindi pwedeng makuha yung phone niya, nadun ang keychain na lucky charm niya!!!




Lumiko yung lalaki sa may isang eskinita, at sinundan niya ito. Konti na lang maabutan na niya ito kaso...



"TIGIL!" Napahinto si Lisa nang may lalaking sumulpot at tinalapid yung snatcher. Nakipagsuntukan ito hanggang sa tumilapon yung cellphone niya. Kaso mabilis na nakatakas yung snatcher. Dinampot nung lalaki yung cellphone at lumapit sa kanya.



Mas matangkad ito sa kanya, nakajacket, naka-jersey shorts at nakarubbershoes. May cap ito na may tatak na B tas may cup na umuusok.



"Okay ka lang?" tanong nito sabay abot ng phone sa kanya. Masasabi niyang gwapo ito. Lisa, wala kang panahong tumingin ng mga gwapo.



"Oo. Salamat." Sabay tanggap sa phone pero pagtingin niya... "NO!!!"



Nagulat yung lalaki san bigla niyang pagsigaw. Paano ba naman, hindi iyon ang phone niya.



Akmang tatakbo si Lisa sa nilikuan nung snatcher pero napigilan siya ng lalaki.

"Let me go--!" Inalis niya ang kamay nito sa kaliwang braso niya.


"Delikado!"



"Pero yung phone ko kasi---"



"Ireport na lang natin sa pulis."



Nakukulitan na siya. Kaso in the end wala siyang nagawa kundi sumunod dito papunta sa police station. Honestly wala naman sa kanya yung phone niya, ang habol niya lang ay yung key chain niya...








**

Lisa.





Lisa pala ang pangalan niya. May bangs siya, at maamo ang mukha pero may kung anong angas ang dating. Matangkad siya at parang model ang katawan pero astigin kumilos. Napangiti si Jungkook lalo na nang maalala niya kung pano ito buong tapang na humabol sa snatcher. Kung sa ibang babae, baka nagsisigaw lang ng tulong at umiyak.



IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon