XXXII

618 19 0
                                    


Jennie's POV

I looked around the house. Two bedrooms, kitchen, living room and a veranda. Tamang-tama para sa aming apat. Nagthumbs up ako kay Jin na mukhang inaantay ang reaction ko.

"Ayos ba?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Yep. Thank you," saad ko. I smiled.

"Buti nagustuhan mo." Tumingin ito sa katapat na bahay.

Yung bahay nila.

"Buti mas malapit na kayo sa amin. Matutulungan namin kayo," anito sa kanya.

"Salamat." Actually medyo nahihiya nga siya pero after nung nangyari kay Rosé, parang mas komportable siya sa ideyang may mga mahihingan sila ng tulong pag may biglaang nangyari.

"Wala yon, Jen. Gusto kong bumawi sayo."

I looked at Jin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

I knew right in this moment that we are okay. Totally.

"Jen?"

Napatigil ako sa paglakad at napalingon sa likuran. Si Jisoo.

Lumapit siya agad sa akin. "Kakauwi mo lang?"

"Ah may binili lang." Itinaas ko ang paper bags na dala ko. Bumili ako ng ilang toiletries.

"Ah.. kamusta pala kayo ni Jin?"

I smiled. "Okay na."

"Ayiee... 'Muling ibalik'  na ba ha?"

"Ha? Ahm hindi ko alam?" Natawa ako. "Ewan. Wala naman siyang sinasabi. Basta alam kong okay na kami."

"So pag nakipagbalikan siya... papayag ka?"

Natawa lang ako.

"Aysus! Kinikilig si Jennie!"

"Tse! Wag ka nga." Hinila ko na siya papasok sa loob. "Tara na. Gabi na."

Tumatawa pa rin siya at kinikiliti ako hanggang makapasok sa loob. Nadatnan naming naghahain sa mesa si Rosé at si Lisa.

Tumakbo si Jisoo at agad nagkwento para tuksuhin ako. "Hoy alam niyo bang si Jennie..."

Natawa na lang ako habang nagtitilian sila. I felt glad. Sama-sama na ulit kami.

"Uy, tabi-tabi tayong matulog ngayon ha?" saad ni Lisa after kumain.

"Sure."

Nagligpit kami nang sama-sama at naghanda sa pagtulog.




*Rosé's POV

Nilingon ko sina Lisa. Magkakatabi kaming natulog at kapag ganun, inaabot kami ng hatinggabi sa pagkekwentuhan. Kung ano-ano lang naman ang pinag-usapan namin.

Tulog na tulog na yung tatlo. Bale katabi ko si Jisoo, tapos si Jennie, then si Lisa. Pero alam ko pag nagising yang si Lisa mamaya ay lilipat siya sa gitna namin ni Jisoo.

Tiningnan ko ang oras sa phone ko. 1am na.

Pero hindi pa rin ako inaantok.

I closed my eyes at nag-echo sa pandinig ko ang usapan namin ni JHope.

"Hello?"

"Hi Rosé!" As usual, ang bubbly na naman ng boses niya.

"Hi! Napatawag ka?" saad ko at tumayo saka namintana.

"Ah... k-kamusta na si L-Lisa?"

Nagulat ako nang bahagya pero syempre di ko pinahalata.

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon