LXXIII

666 15 4
                                    


LISA's POV



I really hate it when somebody leaves.

Lalo na kapag mahal ko.

Ang sakit-sakit kasi na hindi mo na siya makakasama, makakabonding, makakakulitan nang matagal. Tapos wala ka namang magagawa kasi desisyon niya yon at kailangan mo siyang suportahan.

"Lisa..."

Binuka ni Jisoo ang dalawa niyang mga braso para yakapin ako. Lumapit ako at yumakap nang mahigpit sa kanya. "Mamimiss kita Lisa."

"Uwi ka kaagad ha?" saad ko at humiwalay na sa kanya. Narito na kami sa airport, at ilang sandali na lang, talagang aalis na si Jisoo.

"Hehe. After a year, promise."

'Calling all passengers of flight ARN 1101...'

"Kelangan ko nang umalis," sabi ni Jisoo at yumakap na siya kina Jennie at Rose.

"Ingat ka dun palagi ha?" saad ni Rose na sumisinghot pa.

"We'll keep in touch, Jis," sabi naman ni Jennie.

"Bahala ka na kay Suga ha," saad ni Jimin na naunang yumakap sa kanya. Sunod si Hobi, si Jin, si Taehyung, si Jungkook, tapos si Rap.

"Rap..." saad ni Jisoo at saka yumakap nang mahigpit kay Rap.

"Mabilis lang ang 1 year, Jish. Alagaan mo sarili mo." Lumayo na si Rap, "Sige na. Baka maitakbo pa kita palayo dito."

"Itakbo mo na siya Rap," sabi ko at tinawanan nila ako. "Seryoso ako dun. :/"

"Bye guys," hinila na ni Jisoo ang maleta niya at tumalikod na. Mabilis siyang lumakad palayo at hindi naa lumingon sa amin.

"Jisoo..." mahina kong sambit. Wag ka na lang umalis...

Naramdaman kong yumakap si Jennie at Rose sa akin, at tumayo kami roon hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin namin.

"Halika na," sabi ni Jin. Nauna na silang lumakad.

Sumunod na kami kina Jin. Tahimik lang kaming naglalakad. Nililingon ko pa rin yung direksyong pinuntahan ni Jisoo. Nahuhuli tuloy ako sa paglalakad.

"Lisa." Si Jimin. Sinabayan niya ako.

Ngumiti ako sa kanya. "Bakit?"

"Hindi bagay sa'yo ang nakasimangot," sabi niya at ginulo ang bangs ko.

"Psh." Inayos ko ang buhok ko at pabiro siyang sinuntok.

"Yan, ngumiti ka. May nag-aalala sayo oh," sabi niya saka ngumuso sa unahan.

Tumingin ako sa tinuro niya at nakita ko na nakatingin si Jungkook. Bigla lang siyang bumaling sa unahan nang makita ako.

"Umamin na ba sayo?" tanong ni Jimin.

"Chismoso to," biro ko. Nahihiya ako kay Jimin. Tsaka baka marinig nang mga kasma namin. Tiningnan ko sina Rose na malayo ang agwat sa amin.

"Asee. Umamin na sayo eh." Siniko niya ako at medyo napalakas. "Ay sorry. Haha."

"Sinasadya mo eh!"

"Pero umamin na?"

"Oo na! Kulit mo kasi!"

Napatingin sa amin yung nasa unahan. Nag-peace sign kami parehas.

"Ang ingay mo kase Jimin!" bulong ko at sinabihan siyang manahimik.

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon