XXVIII

727 24 2
                                    

Jisoo's POV

*PEEEEEEEEEEEEEEEEP---*

"JUNGKOOOOK!!!"

Tumakbo ako palapit kay Jungkook na natumba sa biglang pag-iwas sa sasakyang dumaan. Buti na lang nakaliko ng bahagya yung driver.

"Hoy! Magpapakamatay ka ba?!" bulyaw nung driver saka pinaandar ang sasakyan niya.

"Jungkook, okay ka lang ba?" Lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan siya sa braso.

Nanlalamig siya.

"O-Oo.. ayos lang ako. S-Salamat." Tumayo siya at pinagpagan ang pantalon.

"Bakit ba parang wala ka sa sarili mo? Dahil ba sa... nangyari?" Nag-aalala kong tanong. Wala pa ring malay si Suga, tapos may alitan pa sina Rap at Taehyung.

Nakita ko kaninang nagkaharap-harap sila at alam kong apektado silang lahat sa nangyayaring to. Hindi ko pa man sila ganon kakilala nang lubusan pero alam ko na hindi basta ang samahan nilang pito.

Nakakalungkot lang kasi sinusubok sila nang ganito.

"Okay lang talaga ako," sabi niya at ngumiti. Pero iba ang sinasabi ni mga mata niya.

"Jungkook, kung kailangan mo ng kausap, magsabi ka lang. Mahirap yung sinasarili ang problema," sabi ko at tinapik siya sa balikat.

"Thanks, Jisoo."

"Teka, galing ka ba sa loob? Si Lisa ba nadoon?" tanong ko. Uuwi kasi muna kami. Sabi ni Jennie lilipat na kami ng bahay. Hindi pa namin alam kung saan pero hindi na dun sa dati.

Sa tingin ko, kinausap na ni Jin si Jennie. Ahem. Yung dalawang yon mukhang nagkakaayos na...

"Oo. Kasama niya si Taehyung," sagot niya at parang may... iba sa tono niya.

Hmn?

"Ah..." Itetext ko na lang pala siya. Mukha kasing kailangan ng isang to ng kausap. "Uy, kumain ka na ba? Tara magmeryenda muna? Nalipasan na tayo ng lunch oh."

"Ha? Ah... sige."

May convenience store dun sa tapat at dun kami pumunta.

Mayroong ibang customers kaya sa bandang dulo kami pumwesto. Bumili siya ng chips at soda tapos ang sa akin ay cup noodles. Nag-insist pa siya na ang magbabayad.


"Si Rap?" tanong ko habang hinihipan yung noodles.

"Nasa café ata, kasama si Jimin."


"Galit pa ba siya?" Natigilan ako sa natanong ko. "Hindi naman sa nakikialam ako..."


"Okay lang. Hindi na rin naman kayo iba sa amin." Uminom muna siya bago nagpatuloy. "Hindi naman siya galit, masama lang ang loob niya sa nangyari. Kahit naman ako, pakiramdam ko hindi kami pinagkatiwalaan."


"May dahilan naman siguro sila."

Hindi siya sumagot.

Okay. Hindi nga ako masyadong magtatanong. Baka naman mairita siya sa akin bigla.

"Ikaw Jisoo, di ba matagal na kayong magkakaibigan nina Jennie. Pa'no halimbawa kung may hindi sinasabi sayo si Jennie tapos biglang malalaman mo yung nililihim niya kung kelan parang huli na? Anong mararamdaman mo?"

Napatitig lang ako sa kanya. Hindi ba't ayon ang ginagawa ko ngayom?

Hindi ko sinasabi kina Jennie, Rosé at Lisa na aalis na ko. Hindi ko alam kung paano o kailan, at alam ko na baka maghinanakit din sila pag biglang paalis na pala ako. At ayoko namang mangyari yon.

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon