XLVII

497 10 1
                                    


Jisoo's POV

Buhat-buhat ko yung basket ng prutas habang naglalakad. Natatanaw ko na yung cafe. Ay nako. Dapat kanina pa ko nakarating. Kasura kasi yung isang mamimiling nakasabay ko. Hinabilin pa sa akin yung aso niya tapos ang tagal-tagal bumalik.

Oh. Si Jimin ba yon?

Huminto ako sa paglakad at hinintay si Jimin na makalapit sa akin. Pero malalim yata ang iniisip niya kasi nilagpasan niya ako.

Tinawag ko siya. Sakto tumigil siya at lumingon sa akin. "O, Jisoo! Saan ka galing?"

Itinaas ko yung basket na dala ko. May bitbit din siya pero puro mansanas ang laman.

Napatitig ako sa mukha niya. Teka, okay lang ba siya?

"Okay ka lang Jimin?"

"Oo."

"Pasaan ka? Bakit hindi ka tumuloy?" tukoy ko sa cafe. Ang lapit na oh.

Umiling lang siya at lumakad na ulit.

May problema ba siya?

Napailing ako at tumingin sa direction ng cafe. Nandoon na siguro sina Jennie. Nilingon ko si Jimin.

Sige na nga. Susundan ko siya.

-

"Bakit mo ko sinusundan?" tanong niya nong malayo na kami. Huminto siya at tumingin sa akin. Parang hindi siya si Jimin na kilala ko. Ang tamlay niya sobra.

"May sakit ka ba?"

"Wala."

"Parang ang tamlay mo ah."

Ngumiti siya ng bahagya. Tapos humakbang siya palapit sa akin. "Jisoo, pwede mo ba kong samahan saglit?"

"Ha? Saan?"

"Doon tayo," tinuro niya yung convenience store. Tumango ako at lumakad kami papunta roon. Pagpasok bumili siya ng beer. Tapos binilhan niya ko ng ice cream.

Ano ko, bata? Kanya beer tas ice cream akin?

"Wag ka nang magbeer. Mahina raw ang tolerance mo sabi ni Rap."

-_- Sinabi niya yon?

"Ayoko magpasan pauwi." Naupo kami sa may sulok. Binuksan niya yung beer in can at uminom.

"Agang-aga umiinom ka. Ano bang meron?" tanong ko at nagsimula na ring kumain ng ice cream.

Hindi siya sumagot. Naalala ko tuloy si Jungkook. Ganyang-ganyan siya nung muntik na siyang mabangga. I wonder kung anong meron dito kay Jimin.

"Kung gusto mo, sabihin mo sa akin ang problema mo. Hindi man ako makatulong, at least gagaan kahit papano ang pakiramdam mo."

Tumungo lang siya.

Naghintay lang ako. Alam ko iimik rin yan...

"Nakita ko siya." Tumingin siya sa akin. "Pumasok siya sa cafe. Yun pala yong sinasabi ni Taehyung na surprise guest. Si Seulgi pala."

Seulgi?

"Ex mo?" mahina kong tanong.

Tumawa siya ng bahagya. Saka umiling. "M. U. Malabong Usapan."

"Ahh. Complicated?"

"Yan ba yung tamang term?"

"Ano bang nangyari?"

"Sinabi niyang gusto niya ko. Pero hindi raw kami pwede."

"Bakit naman?"

Hindi siya sumagot.

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon