LIV.E

507 10 1
                                    


Jungkook's Pov

clank.. clank.. clank..

Tunog lang ng mga pinggan ang naririnig ko at ang psgbuntong-hininga ni Taehyung.

Tiningnan ko siya na mukhang malalim ang iniisip. Naawa ako dun sa pinggang kanina niya pa sinasabon.

Kinuha ko yun mula sa kanya pero hindi niya binibitawan. Di ko nga alam kung aware ba siyang kinukuha ko na yon.

"Taehyung. Mabubutas na yung plato," mahinang sabi ko.

Nagulat na napatingin siya sa akin. "Ah-- haha! Di ko namalayan. O," inabot niya sa akin at dumampot ng isa pa.

"Ano bang sasabihin mo?" saad ko. Natigilan siya pero di ko siya nilingon. Itinuon ko ang tingin ko sa binabanlawan kong mga plato.

"H-Ha?"

Tiningnan ko siya. "May sasabihin ka sa akin."

"A-Ah. Kookie--" bumuntong-hininga siya, "alam kong masama ang loob mo sa akin."

Hindi ako sumagot.

"Yung ano... yung kahapon..." Binitawan niya yung sponge at ibinigay sakin yung huling plato. "...alam kong nainis ka."

"Sinadya mo ba yon?"

Hindi siya sumagot agad. Then, ngumiti siya, yung may halong lungkot. "Oo. Sorry Kookie. Nagawa ko lang yon kasi---"

"Gusto mo rin siya."

Tumango siya.

Ngumiti ako ng bahagya. "Then, may the best man win."

Natawa siya. "Liligawan mo ba siya?"

"Gusto ko. Pero... alam mo naman yung sitwasyon niya.. at yung sa kanila ni Suga."

Tumango siya. "Oo nga."

"Eh ikaw? Bakit hindi mo sinasabi sa kanya?"

"Para ano pa? Para maguluhan lang siya? Kookie, ayos na sakin yung alam niyang nandito lang ako para sa kanya."

"Palagay mo ba, m-mahal--" natigilan ako saglit. Takte. Masakit sabihin, "mahal niya pa rin si Suga?"

"Hindi ko alam pero... sa mga kilos niya, tingin ko---"

"Wag mo nang sabihin." Pinigil ko siya. Ayoko palang marinig yung confirmation.

Tumango siya tapos, "So okay na tayo?"

"Lagi naman." Nginitian ko siya. "Baka kung ako yung nasa katayuan mo, ginawa ko rin yon."

Natawa siya. Tinuloy na namin yung ginagawa namin. May bigla akong naramdaman. Tumingin ako sa likuran ko at--

---nakita kong nakatingin siya.

Si Lisa.

Our eyes locked for few seconds then nagbawi siya ng tingin.

Tumingin na ko sa platong hawak ko...

..at di ko napigilang ngumiti.





*JIMIN'S POV

"Barbecue sticks. 4 kilos of pork... 2 kilos fish... 2 kilos chicken, chopped... at 2 whole dressed chicken..." Tumingin sa akin si Lisa, "Wow. Magpapapiyesta ba si Jin?"

Natawa ako. "Three days tayo dun. Sakto lang yan." Kinuha ko yung listahan sa kanya. Nasa palengke kami at medyo maraming tao. "Tara."

Humawak siya sa braso ko.

Pili ng stall na mabibilihan...

"Dito tayo," sabi ko at lumapit sa babaeng may tindang mga pork meat. Php 200 per kilo.

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon