FIN

737 11 0
                                    



Lahat nagsimula sa tatlong tasa ng kapeng sinerve ni Suga. Sa pang-iisnub nila Jennie sa pinakahenyong pangalang ng kape sa balat ng lupa. Sa inakalang boutique na itatayo sa tabi ng Bangtaste. Sa simpleng... makulit na simula.

Sinong mag-aakalang magkakaugany-ugnay ang mag buhay nila?

Hindi mo nga talaga masasabi.


Yung taong dating hinihintay mo, makikita mo na pala.

Yung taong sinungitan mo, siya palang magpapangiti sayo ng todo.

Yung taong iniwan mo, siya palang babalik-balikan mo.

Yung taong hindi mo inakala, siya pala ang hahanap-hanapin mo.

Yung mga taong kinumpetensiya mo, pero magiging mga kaibigan mo.



Maraming sumubok sa tiwala nila sa isa't isa. Sa kung gaano ang kaya nilang gawin at isakripisyo. Sa kung paano nila haharapin ang mga problema.


Oo, may lumayo, pero hindi naman sila nabuwag. At yun ang mahalaga.

May nasaktan, pero may nagpangiti.

May nabigo, pero may natutong magpatawad, at maghintay.

Higit sa lahat, natuto silang magmahal. Kahit na hindi pala lahat ng pagmamahal, nasusuklian. Kahit na hindi pala lahat ng nakaraan, naibabalik.

At yung nawala, pwede palang mapalitan ng mas WORTH IT.


BANGTASTE at PurpleHots.


Dalawang cafe. Dalawang grupo.


Iisang tadhana.


"Taehyung! Isang espresso sa table two!" saad ni Rap.

"Aye aye!" Agad kumuha ng inorder si Taehyung. Sina Jimin, Jin, Hobi at Jungkook ay pawang mga abala rin.


"Sinong umorder ng blueberry cheesecake?" tanong ni Rose na pumasok mula sa pintong kadugtong ng Bangtaste. Pinaayos na nila ang dalawang establishment. Nilagyan ng hall na magdudugtong sa dalawa.

"Dito," sabi ni Hobi.

"Jungkookie, isang frappe sa table 7."

Ngumiti si Kookie at mabilis na kumilos. "Coming!" Pagpatong ng tasa sa mesa ng sutomer, sumilip siya sa kabila... At nakita niya si Lisa na nagseserve ng cupcakes. Lumingon ito at ngumiti sa kanya.

"Hay nako." panunukso ni Jimin na napadaan.

"Bitter," saad naman ni Jin na dinilaan lang ni Jimin. Nagvibrate ang phone niya at pagtingin niya may message si Jennie.

Jennie: Wag ka ngang makipaglandian kay Jimin

"Hahahaha!" malakas na tawa ni Jin saka bumalik sa counter. Naroon si Rap na may inaayos sa laptop.

Mayamaya, isang video call mula sa Korea.

"SUGAAAAA!!!" Sigaw ni Jimin

"Waah! Jisooo!" saad ni Rose.

"Hi! Maraming customers?" tanong ni Rose.

"Konti lang yan, walang gwapo eh," saad ni Suga.

"Ako lang sapat na," sabi ni Taehyung.

"Naka!" react nina Hobi.

"Tatawagin ko lang sila Jennie at Lisa," sabi ni Rose saka tumakbo papunta sa kabila.

"Jisoo, Suga, pano ba yan? 329 days to go?" saad ni Rap at napangiti silang lahat.



Isang buwan na rin pala ang lumipas. Ang bilis.



Konting panahon lang talaga ang isang taon.



Marami pang mangyayari...




-


IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon