XXX

671 18 0
                                    


Lisa's POV

Nandito ako sa ospital.
Hinawakan ko ang kamay ni Suga. Wala pa rin siyang malay.

Kanina, nag-undergo siya ng CT scan at iba pang tests. Sabi ng doktor, pag daw hindi pa siya nagising hanggang bukas ay ilalagay na siya sa ICU, lalo na nung mabasa nila yung previous medical record niya.

"Lisa, magse-7pm na. Ihahatid na kita pauwi." Si Hobi. Kanina pa siya nagbabantay dito. Naiinis nga ko sa iba eh. Bakit ba ngayon pa sila nag-away-away?

"Pero sinong magbabantay kay Suga?"

"Tumawag si Jimin, papunta na raw sila rito." Ngumiti siya at tumingin kay Suga. "Sana gumising na si Suga..."

Tumango ako. Mayamaya, bumukas ang pinto. Si Jisoo.

"Jis!"

"Hello sa inyo," bati niya sabay patong ng bouquet ng red roses sa table. "Kamusta na si Suga?"

"Ayan, hindi namin alam kung okay ba siya o hindi," sagot ni JHope. "Si Rose pala?"

Ngumiti si Jisoo. Ngiting may "laman".

Hmn?

"Nasa bahay, nag-aayos na kami ng mga gamit. Nakahanap na sina Jennie ng bagong apartment."

"Saan?" -sabay naming tanong ni JHope. Yung tono ko, curious. Yung kanya, excited.

Natawa si Jisoo. "Mga isang block mula sa town house niyo."

"Ah..." react ni JHope pero alam kong gusto niyang magtatalon sa tuwa.

Mula ngayon magiging magkakapitbahay na kami.

"Si Jungkook pala?" tanong ni Jisoo.

"Ewan, baka kasama ni Rap. Teka, ba't mo hinahanap si Kookie?" -JHope.

Yun din ang gusto kong itanong. I mean, hindi naman sila gaanong close. Sa kanilang pito, si JHope at Jin lang masasabi kong ka-close naming apat-- kung hindi isasama yung dating friendship na meron kami nina Taehyung at Suga.

"Hindi pa ba siya pumupunta rito pamula kanina?"

"Hindi pa." -JHope

Biglang naging worried ang expression ni Jisoo.

"Bakit Jis, may nangyari ba?" tanong ko.

"Kanina kasi muntik na siyang mabangga ng kotse."

"HA?!" Sabay naming bulalas. Napatayo pa nga si JHope.

Kinuwento ni Jisoo yung nangyari. Hindi naman daw sinabi ni Jungkook kung bakit parang wala to sa sarili.

"Baka dahil nagkaalitan sila nina Taehyung? Pero hindi eh..." naglakad pauli-uli si JHope, "kilala ko sila, hindi naman tatagal yung tampuhang yon eh. Bukas nagsasalawan na ulit yung mga yon."

Naniniwala ako kay JHope. Tutal matagal na naman silang magkakakilala eh.

"Mukhang okay naman siya..." saad ni Jisoo nang hindi pa rin mapakali si JHope.

Ilang saglit pa ay nagyaya na si Jisoo na umuwi.

"7:30 na. Magagalit yung si Jennie pag ginabi pa tayo masyado."

Tumayo na ako at yumuko para mailapit ang mukha ko sa mukha ni Suga. "I'll come back tomorrow, Chugs. Good night.." I looked at his closed eyes... sana bukas makita ko nang nakatingin sa akin ang mga matang yan Suga. Ang dami-dami mo pang ikekwento. Mag-eexplain ka pa kung bakit mo ginawa yon.

"Let's go?" saad ni Jisoo. Tumango ako at lumabas na kami. Hinatid pa kami ni JHope hanggang labas.






"Jisoo, naayos ko na rin ang mga gamit mo," salubong sa amin ni Rosé. "Bukas lilipat na tayo sa bago nating bahay."

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon