LX-V

462 15 3
                                    

#58 in idol stories... and many rankings. Yey!



Jimin's POV



"Jimin, pasuyo naman nung barbecue don," utos ni Jin hyung, kaya naman tumayo ako at pumunta sa grilling area kung saan nagluto sina Lisa kanina.

Nagkukwentuhan sila tungkol sa mga ginawa namin sa maghapon, at inaasar sina Rap at Jisoo na pulang-pula na dahil kanina pa silang topic.

Habang nilalagay ko yung lahat ng natirang barbecue, may kumuha nung plato. Pagtinigin ko, si Lisa.

Seryoso lang siya.

"Ako nang magdadala niyan,'' sabi ko pero umiling siya.

"Actually, may itatanong ako sayo Jimin..." huminga siya ng malalim saka nagpatuloy habang sa plato pa rin nakatingin. "Ayoko sanang magtanong kasi... usapan niyo yun nina Taehyung. Pero tungkol kasi sa akin yung pinag-uusapan niyo?"

Ewan ko pero bigla akong kinabahan. Nakatingin lang ako sa kanya, at hindi ko alam ang isasagot ko. Akala ko pa naman hindi niya narinig.

"'Gusto natin si Lisa... May the best man win na lang.'" Tumingin siya sa akin. Nagulat ako kasi nangingilid ang luha niya. "Pinaglalaruan niyo ba ako?"

O_____O?!

Natawa siya saka nagpahid ng mata, "I mean... anong ibig sabihin nung sinabi ni Jungkook? Nagpupustahan ba kayo o... ano?"

"L-Lisa..."

Haaaay! Pa'no ko ba to ipapaliwanag? Dapat ko bang pangunahan yung mga yon?!

"Yung totoo Jimin," sabi niya pa.

Napailing na lang ako. "Lisa kasi... mali yung iniisip mo. Bale... ano kasi..." napakamot ako, "Ayoko namang pangunahan yung mga yon. S-Sila na lang ang tanungin mo."

"Nahihiya ako eh," sabi niya. "Pero hindi naman nila ako pinagtitripan?"

"Hindi! Bale... aish!" Kinuha ko na yung plato mula sa kanya at nauna nang lumakad. "Tara na dun. Yaan mo, sasabihin ko kay Kookie, kausapin ka."

Hindi na siya sumagot at sumunod na lang sa akin.

Nung malapit na kami, humarap ulit siya sa akin.

"Jimin, kaya ko sayo to tinatanong kasi alam kong sasabihin mo sa akin ang totoo."

Natigilan ako.

Na-disappoint ko ba si Lisa?

>.<

Jimin! hindi mo pwedeng i-disappoint ang tulad ni Lisa. All this time naging honest siya sayo.

Humugot ako ng malalim na hininga at hinawakan siya sa isang balikat. "Sige, sasabihin ko sayo pero.. wag mo na lang banggiting ako yung nagsabi ha?"

Tumango siya at ngumiti.

"Hindi ibig sabihin nung narinig mo eh nagpupustahan sila o ano.. bale... si Kookie kasi ay..." napakamot ako. SInulyapan ko si Jungkook na nakikipag-usap kay Jin hyung. "Ang totoo niyan may ano kasi.."

"Diretsahin mo na lang," sabi ni Lisa.

"Gusto ka niya."

Nakatitig lang siya sa akin habang nakikinig.

"Gusto ka ni Kookie... kaya kinausap niya sina Suga at Taehyung na aamin na raw siya sayo... at may the best man win na lang daw sa kanilang tatlo."

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon