LXXII

495 11 0
                                    


No. 10 in #idol stories, no. 47 in #Blackpink, and with rankings in each of the story's hashtags! YEY! 🎊 🎆Thank you guys for making IDOL CAFÉ visible!!!😘


Jennie's POV


"Ate, bakit ang tagal niyong hindi nag-open?" tanong nung isang customer.

Nginitian ko siya bago ko binigay yung freebie niya na cute na cute na red velvet cupcake. "Medyo nagkaproblema kasi. But we're back."

"Eh yung Bangtasté po, kelan mago-open uli?" tanong nung kasam niya.

Lumingon ako sa nakasaradong café nina Jin. Two days na mula nang umalis si Suga, at wala pa raw sila sa mood magbukas. Biniro pa nga ako ni Jin na samantalahin ko raw kasi pag nag-comeback sila, baka magpuntahan na naman sa kanila ang customers namin. -_- Subukan niya lang gumamit ng charms para makakuha ng customers, makakatikim talaga siya sa akin.

"Ate, kelan po ang open nung Bangasté?" ulit nila.

"Hindi ko pa alam eh."

"Close po ba kayo sa mga oppa dun?" nakahalumbaba pa sila sa counter.

Mga batang to!

"Oo."

"Talaga po? Alam niyo po ba kung may girlfriend na sila?"

Aba aba!

"Meron na."

"Pati si Jin?"

ABA TEKA!

"Oo ineng. May girlfriend na siya." Nilapit ko ang mukha ko sa kanila. "Balita ko nga ang ganda raw sobraaa."

Nagkatinginan sila. "Huh? Sayang naman..."

Bumaling ulit sa akin yung isa. "Eh si Rap kaya?"

Sakto lumabas si Jisoo mula sa kitchen. "Meron na rin. Mas maganda pa sa girlfriend ni Jin."

Tiningnan ko ng masama si Jisoo. "Parang hindi naman."

"Ate, ate, si JHope? Wala pa yun no?"

Umiling ako. "Wala pa pero may nagugustuhan na siya." Nagthumbs up sa akin si Rose na nagseserve dun sa couple na kalapit lang namin.

"Eh si Taehyung---"

"Hep! Tama na ang pagtatanong okay? Mag-aral na lang muna kayo ng mabuti."

Umalis na sila at naiwan kami ni Jisoo na nagkatawanan.

Mayamaya dumating na si Lisa dala yung kinuha niyang supplies. May dumating naman na mga customers kaya pinatong niya lang sa counter yung box at tumulong na kay Rose.

"Jisoo, maaga tayong magsasara ngayon," sabi ko habang chinecheck yung list para sa inventory. "Maaga ang flight mo bukas."

"Ihahatid niyo pa ba talaga ako?"

"Oo sabi!" giit ko. Ayaw niya kasing ihatid pa namin siya sa airport. Mapapagod lang daw kami.

Syempre hindi kami pumayag tatlo! Sina Rap nga kasama rin eh.

Dahil alam ni Jisoong wala naman siyang magagawa kaya hindi na siya nakipagtalo pa. Tumulong na lang siya kina Lisa.

Bandang 4pm, tumawag si Jin. May hinanda raw silang dinner para kay Jisoo. Kaya by 5pm, closed na kami.

"JISOO!" salubong ni Jimin, may pa-torotot pa. It turned out na sa garden namin sila nagset up ng mesa.

"Thanks sa dinner," sabi ni Jisoo at umupo na kami. Magkakatabi kaming apat syempre!

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon