XXII

775 23 1
                                    

Thank you, thank you po sa pagbabasa ninyo! Much appreciated po talaga na may tumatangkilik nito. Syempre thank you din SA'YO. . Ang dahilan kung bakit nagustuhan ko ang KPop at kung bakit ako nagsulat ulit. :)

-Pasensya na po sa mga loopholes:(

Jin's POV

"Jennie, let me help you," lumapit ako sa kanya at kinuha yung mga plato.

She's setting the table kasi gabing-gabi na, wala pang nagdi-dinner sa amin.

"Kaya ko na---" tatanggi pa sana siya kaya lang pinutol ko na ang sasabihin niya.

"I insist."

Tahimik lang kami habang nagseset ng mesa. Nakaharap siya sa microwave habang ako eh inaayos tong kanin. Ewan ko kung bakit ko to. Parang ewan lang.

Tumingin ako sa gawi ng sala at narinig kong sumigaw si Rap. Siguro kausap si Hobi. Ewan ko din naman sa taong yun kung bakit napaka-agresibo ng desisyon.

Umupo ako at tumitig na lang sa mesa.

Nagulat lang ako nang bahagya nang magsalita si Jennie. Actually kanina ko pa siya gustong kausapin tungkol dun sa nangyari sa café.

"Jin, pwede ba kong magtanong?"

"Ano yon?" Nilingon ko siya pero nakatingin pa rin siya dun sa oven.

"S-Si ano--- okay. I do not mean anything with this." Nilingon niya ko at tumango ako bilang tugon. "Gusto ko lang magtanong tungkol kay... tungkol kay Jezie."

Hindi ako nagsalita para hintayin siyang magpatuloy.

"Ano, hindi ka ba sasagot?"

"Hindi ka pa nagtatanong."

Napa-"hah" siya sabay irap. "Hindi ka pa rin nagbabago Jin. Ganyan din ang sagot mo dati." Then she somewhat smiled--- a bit.

"Bakit sino ba ang nagbago Jennie?"

Nag-iba ang expression niya. Wrong words, Jin!

"Hindi ako nagbago Jin. Ewan ko ikaw?"

"Come on Jennie. Ikaw yung naunang magbago sa atin." I smiled bitterly.

"You didn't know Jin."

Biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Pero pinigil ko ang sarili ko. Gusto ko kasi siyang makausap ng maayos. Gusto kong magkaayos kami. Dahil gaya ng sinabi ko kay Jezie---I'm still into Jennie.

"Kasi hindi mo pinaalam. Bigla ka na lang umiwas. Bigla na lang hindi na ako yung priority mo."

"Mas priority ko ang pag-aaral ko Jin. At... at college ka na di ba? Hindi ba mas priority mo na rin yung pag-aaral mo?"

What?! So that is HER REASON?!

"Hindi mo kailangang i-sakripisyo ang kung anong meron tayo para lang sa priorities na sinasabi mo. Jennie, pwede yung pagsabayin! Nasa atin yun, pero ano, bigla kang bumitaw. Bigla kang sumuko."

Gusto kong sumigaw pero pinipigil ko ang sarili ko. I need to get a grip of myself. May problema kami pare-pareho dito kaya ayoko nang dumagdag pa.

"You didn't know Jin, and you left. Tinanong mo ba ko noon kung bakit? Umalis ka bigla di ba? Umiwas ka rin! Kaya wag mo kong sisihin. Dahil kung bumitaw ako, lumayo ka naman." Her eyes are shining. Alam kong anumang oras iiyak na siya. She is a tough girl pero alam ko na sa ganito, iyakin siya.

"So kasalanan ko pa pala?" Napailing ako. "Ako pa pala yung dapat sisihin. Jen, I HAD treasured everything that we had back then."

"Bakit ako, hindi ba?!"

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon