LI

517 14 0
                                    


Taehyung's POV

4pm at marami-rami na ang customers. Kanya-kanya kaming gawa dito sa Bangtasté na parang walang mga nangyari nitong nagdaang araw. Mayamaya ay tinawag kami ni Suga.

"Anong gusto niyong mauna--," nakangising saad niya nang makalapit kami sa kanya, "---good news o bad news?"

Nagkatinginan kami ni Hobi. Nito lang ay malimit ata kaming nagkakaunawaan sa tingin. Haha.

"Yung bad muna para masaya." Bibong saad ni Jimin.

"Ano kaya yon?" kontra ni Jin na nagpupunas ng tray.

Si Rap nakahalumbaba lang at nakangiti.

-_- Ang saya niya kasi. Alam niyo na...

"Sige. Ang bad news..." Humawak pa sa baba niya si Suga, "Tuloy pa rin ang pagpunta ko sa Korea."

"..." -Kaming anim. Ano pa nga ba?

Pero alam niyo, kahit saglit lang ay umasa kami, ako, na hindi na siya tutuloy.

Wala rin pala. Tuloy rin siya.


"Hindi na talaga mababali yan?" saad ni Rap.

Ngumiti lang si Suga. "O, yung good news naman."

Sumimangot si Rap kasi hindi siya pinansin ni Suga.

"Ano?"

"Hindi pa bukas ang uwi ko. Next week pa."

"......" -- kaming anim
-_- itsura ni Jungkook

Hindi niya ata inaasahang ganon lang ang reaction namin.

"Aw come on! Wala man lang hurray o yehey?" reklamo niya.

"Suga, ganon pa rin yon. Aalis ka pa rin," sabi ko.

"Pero atleast... may time pa para magbonding tayo. Picnic o outing. Ganon," sabi niya at lumapit pa kay Hobi para humingi ng suporta.

"Kelan ka aalis?" tanong ni Jungkook.

"Baka sabay na kami ni Jisoo."

Naubo si Rap.

"Rap, don't worry. Aalagaan at babantayan ko siya para sayo. OK?" nakathumbs up pang sabi ni Suga kay Rap.

"So mag-a-outing tayo? Pwede ba yon sayo?" tanong ni Jin.

Oo nga naman. Baka makasama pa yon kay Suga eh.

"Pwede! Wala pa namang taning ang buhay ko eh." Reklamo niya sabay nguso.

"Siya nga naman!" Saad ni Jimin. "Out of town naman tayo. Ano? Game ako!"

Napakagala talaga niyan.

Nilapitan ako ni Jimin at inakbayan, "Taehyung! GAME?"

Syempre hindi ako gala 'no, kaya------








Nagtwo thumbs up ako. "GAME!"





Sa huli, pumayag na rin ang lahat sa out of town plan ni Suga. Napagkasunduan lang na sa malapit lang kami para hindi masyadong mapagod si Suga.

"... at isama natin sina Jennie," sabi ni Jin na ngingiti-ngiti.

Bumulong si Suga sa akin. "Kita mo na si Jin hyung. Ayaw pa kuno, siya naman pala tong excited..."

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon