XX

786 18 1
                                    


Jimin's POV

Tahimik lang kami nang pumasok sina Taehyung at Suga pagtapos nilang mag-usap.

Syempre, kelangan kong malaman ang pinag-usapan nila kaya lumapit ako kay Taehyung at pabiro siyang tinanong. "O, tapos na kayo? Pwede na niyo na i-share sa amin?"

Binato ako ni Rap ng basahan.

"Bakit ba?" nakasimangot kong tanong sabay baling kay Taehyung. Nakangiti lang siya.

"Hay ang sakit ata ng ulo ko," sabi ni Suga.

"Bibili ako ng gamot," biglang sabi ni Taehyung.

"Sama!" Ayos sa daan ko siya tatanungin.

"Ako na lang Taehyung. Jimin tara samahan mo ko," sabat ni JHope saka ako hinila palabas.

Wala na kong nagawa. Syempre hindi tumanggi si Taehyung eh.

"Bakit nagpresinta ka Hobi?" tanong ko nung makalabas kami. Nilingon ko sila Rap sa loob, nilapitan niya si Taehyung.

"Wala lang. Bakit ba? Ayaw mo kong kasama ah?"

"Hindi no. Alam mo namang love din kita Hobi^_^" Nagheart sign ako sa kanya.

"Yuck! Wag mo na nga ulitin yun."

"Tss. Ang arte nito."

"Magsasara daw sila nang maaga ngayon sabi ni Jin."

Hindi na ko umimik. Baka mamaya mag-uusap-usap kami. Mabilisan na nga ang paglalakad. Oo. Maglalakad lang kami papunta sa drugstore. Syempre. Alangan namang magsakay pa kami eh ang lapit lang naman.

"Hoy Hobi, sa palagay mo ba, ano yung pinag-usapan nina Suga kanina?"

Hindi siya sumagot.

Tsk. Hindi kaya may alam siya?

"Hoy JHope, baka may alam ka ha, tas ayaw mo lang sabihin sa akin!" sabi ko

"Ano? Wala ha! Hoy Jimin alam mo namang pare-pareho tayong hindi sinabihan ni Taehyung at ni Suga tungkol sa kung bakit sila umuwi at nanatili sa Pilipinas."

Sabagay. Tanda ko pa nung college, tinanong ko si Taehyung kung anong rason bakit sila umuwi eh ang sinagot niya lang sa akin mas gusto nilang dito mag-aral. Tapos pag inuusisa ko si Taehyung tungkol sa buhay nila sa Korea sasabihin lang niya pareho din dito.

Ang gulo. Akala ko dati totoong rason yan.

Ngayon ko lang naisip na iniiwasan nga talaga niya yung topic. At ayaw niyang sabihin sa akin.

"Hindi kaya mga wanted sila dun?" saad ko.

Pabiro akong binatukan ni Hobi. "Dami-daming maiisip na rason, yun pa!? Tsk. Wag mo paparinig kina Rap yan, magagalit yong mga yun. Kaibigan natin yung dalawa kaya kung ano pa man ang nangyari sa Korea, walang magbabago."

Nyek.

Ang drama ni Hobi.

"Oo na, oo na," sabi ko. "Uy! Si Rosé ba yon?" Turo ko sa babaeng nasa botika.

"Oo! Si Rose nga!" Agad binilisan ni JHope ang lakad.

Tingnan niyo to. Napaghahalata eh.

"Teka sino yung mga yon?" tanong niya nang may mga lalaking humila kay Rosé.

"Hala! Baka kidnappers!"

"Sa kaorasang to?"

"Mukhang iiyak na siya..."

"Tsk. Baka tauhan ni Mr. Gillan yan." Sabi niya at akmang tatakbo papunta kay Rosé. Pero bigla siyang natigilan. Sinakay sa kotse si Rosé.

"Hala ka! Kinidnap na nga yata siya------Hoy Hobi!" Bigla kasing tumakbo si JHope papunta dun sa lalaking kakababa lang ng motor at hinanggit yung motor nito. "Hobi! Hoy! Para kang tanga!"

Pero parang wala siyang narinig.

"HOOOY!!! PARA KANG TANGA HOBI! BUMALIK KA DITO!" Sigaw ko. Aba, pinaharurot pa yung motor!

Kelangan kong sabihin to kina Rap! Waaaa~









**

JENNIE'S POV

Nakaupo ako sa sahig at nagba-browse sa internet nang magsalita si Lisa.

"Aba? Ang tagal yata ni Rosé?"

Napalingon ako sa kanya na nakahiga sa sofa.

"Baka may dinaanan lang." Sagot ko.

Mga 6 dumating na si Jisoo. Nakangiti pa ng malapad.

"Aba? Ano kayang meron? Bakit ngiting-ngiti?" saad ko at tumayo para salubungin siya.

"Wala. Masaya lang?"

"Asus. Para kang tumama sa lotto pagkakangiti mo eh."

"Hindi naman. Haha! Kasabay ko si Rap. I mean..."

"Kaya pala!" Sabay naming sabi ni Lisa.

Suus. Si Jisoo. Lumalablayp.

"Hindi naman." Umupo siya sa tabi ko. "Si Rosé?"

"Bibili lang daw ng gamot eh. Wala pa nga, kanina pa." Tumayo ako at sumilip sa labas.

"Tatawagan ko." Nagdial si Jisoo pero walang sumasagot. "Unattended."

"Aba, bakit kaya?" tanong ni Lisa.

Ewan pero kinabahan ako. Rosé is not the type who ignores call or turns off phone.

"Baka lowbatt?" rason ni Lisa pero alam kong kinakabahan rin siya.

"Nagcharge siya kanina di ba?" saad ni Jisoo.

Nagkatinginan kaming tatlo.

I knew it: We three have the same feelings.

"Let's go to the drugstore," sabi ko at naunang lumabas. Sumunod si Jisoo, but Lisa stopped halfway and clutched her forehead. "Lisa? Okay ka lang?"


"Medyo kumikirot ang ulo ko," saad niya. Lalabas pa sana siya kaya lang pinigilan ko siya.


"Stay here. Isa pa baka umuwi si Rosé, magtataka siya kung bakit wala tayo dito," I said. She nodded and laid on the sofa.


"Itetext ka na lang namin," saad ni Jisoo at sumakay na kami ng sasakyan.

"Tawagan mo ng tawagan, Jisoo, " I said as I maneuver the car to the road.



Unattended pa rin daw. Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko dito. Makulimlim ang langit parang uulan pa ata.



Pagdating sa drugstore, mas lalo kaming kinabahan. I nearly confirmed my doubt. Yung cellphone ni Rosé nasa may counter.



"...Sumama siya dun sa mga lalaki. Naiwan niya to." Pareho kaming napaupo ni Jisoo sa sinabi nung pharmacist.


God, please let Rosé be safe. . .



"Miss, pwede ba naming makita yung CCTV niyo?" Mayamaya ay tanong ni Jisoo. Tumango yung babae at pinapunta kami sa isang maliit na silid. Pinakita sa amin yung record na nadoon si Rosé. Palabas na pala siya nang dumating yung mga alipores ni Mr. Gillan. Yung isang lalaki lumapit sa kanya at may sinasabi.


"Kuya paki-zoom," sabi ni Jisoo.


Zinoom ng operator at i-finocus sa lalaking kaharap ni Rosé---



Nagkatinginan kami ni Jisoo.



"Si Jisung. Kelan pa siya dumating?" halos panabay naming tanong.



---

TAEHYUNG'S POV


"Kahit anong mangyari Taehyung, wag mong sasabihin kina Rap. Lalo na kay Lisa."

Nahihiyang tumingin ako kay RapMon. Alam ko kahit hindi siya magsalita, na gusto niyang malaman kung ano bang meron.


Pero hindi ko naman masasabi. Nirerespeto ko ang desisyon ni Suga.





IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon