XLI

553 13 0
                                    

Jennie's POV

"Hindi ko talaga ineexpect na magsisinungaling sila. Bakit kelangan pa nilang magsinungaling di ba?" himutok ni Jisoo bago uminom. Ladies' drink lang naman to eh. Nothing wrong.

I agree.

"Aaah! Nakakainis. Bakit ko ba sinabi kay JHope yun?!" Gusto kong matawa kay Rose na mukhang namomorblema.

"Okay lang yan Rose," tinapik-tapik ko siya sa likod. "At least mahahalata niya."

"Kung mahahalata niya?" saad ni Lisa. "Mahina ang mga boys pag dating sa ganyan."

Biglang tumunghay si Rose. "Totoo?"

Natawa ako. "I doubt it. Matatalino sila, baka ma-gets nila yon agad."

"Ah ah naman Jennie eh! Grabe ka sa akin!" maktol ni Rose.

"Jennie, tinawagan ka na ba ni Jin?" tanong ni Lisa

"Oo. Kanina pa siya tumatawag pero hindi ko sinasagot." Uminom ako. "Hindi naman kami eh."

"Pero at least kayo yung may "something" di ba?" -Rose "Hindi gaya namin..."

"Aba. Wala akong gusto sa kahit kanino sa kanila," bulalas ni Jisoo. 'Ta nyo to, tanggi pa eh.

"In denial si ati," saad ni Lisa.

"Bakit, ikaw ba Lisa?" baling ni Jisoo kay Lisa.

"No comment," tatawa-tawang sagot ni Lisa. Nagtawanan kami.

"Artista ka?" pang-aasar ni Jisoo.

"Palibhasa back at one na sila ni Suga," pang-aasar naman ni Rose.

"Back at one?" natatawang sagot ni Lisa.

Kakanta pa sana si Rose nang magsalita si Jisoo.

"Sina Rap ba yun?"

Sinundan ko yung tingin ni Jisoo. Nanigas naman yung itsura ni Rose.

"Ha? Oh my gosh kasama si JHope?"

Lumingon rin si Lisa. "Oo."

Papasok pa lang sila.

"Kunyari hindi niyo sila kita." Sabi ko at umayos ng upo.

"Tayo bang pinuntahan nila?" seryosong tanong ni Jisoo, pero mukhang sarili niya ang tinatanong niya.

Hindi na ko nagsalita. Kung kami yung pinuntahan nila, sana diretso sila sa amin. Bakit parang hindi?

Nagsalita ulit si Jisoo.
"Sino yung nilapitan nila-- wait, si Taehyung ba yon?"

Lumingon ulit si Lisa. "Oo. Kanina pa kaya sila diyan?"

"Wag niyo nang lingunin," sabi ko. "Kung tayo ang pinunta nila rito, eh di sana kanina pa nila tayo nilapitan."

"Oo nga," saad ni Lisa.

Natahimik lang kaming apat. Aaminin ko hinihintay kong lumapit si Jin dito.

"Kung mag-eexplain si Jin sayo, tatanggapin mo?" tanong ni Jisoo.

"Depende sa explanation niya. Nung kami pa, hindi naman siya babaero."

Ngumuso si Rose. "Boys change."

"I agree," taas-kamay pa si Lisa. May tama na ata ito.

"Lisa, tama na yan ha. Mukhang may tama ka na." Saway ko. Mahina pa naman ang alcohol tolerance nito.

"No, I'm alright Jennie."

Sabi na eh. Nag-eenglish na.

"Mukhang lalapit na sila rito," pasimpleng sabi ni Jisoo.

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon