LX-IV

482 12 9
                                    

Lisa's POV

"Prrrrt!" Lahat kami ay napatigil sa pagkukwentuhan at tumingin kay Rap. Siya ang facilitator ng game namin ngayon. Dapat sana ay si Hobi pero gusto niya rin daw kasing sumali kaya pinagbigyan na lang siya ni Rap. "Laro muna tayo."

Niligpit na namin ni Jennie ang mga naluto naming barbecue saka pumunta sa pool side. Si Jisoo at Rose ay nakapuwesto na. Mahilig sa laro yang dalawang yan.

"Madidivide tayo sa two groups," sabi ni Rap at naglabas ng mga tinuping papel. "Bubunot kayo dito kung group 1 o 2."

"Ako manuunang bumunot," anunsyo ni Taehyung na pumunta na sa unahan.

Isa-isa kaming bumunot.

Marahan kong tiningnan yung sa akin. Number 2.

"Okay, lahat ng 1 sa kanan at 2 sa kaliwa." pag-iinstruct ni Rap.

Pumunta ako sa kaliwa. Kasabay ko si Jisoo, si Seulgi, si Jimin, si Jin, at si Jungkook.

Sa kanan naman si Jennie, si Rose, Taehyung, si Hobi, si Suga at si Rap. Meron din daw dapat siya, hindi naman raw siya magiging biased.

Humakbang palapit sa akin si Jimin, tatawa-tawa.

Ngumiti lang ako. Naiilang kasi ako na hindi ko maintindihan. Eh kanina kasi...

Nagsalita na si Rap, "Eto ang larong tinatawag na... Pass the Message."

"Wow, bagong-bago!" biro ni Hobi.

Hindi siya pinansin ni Rap. "Pipila bawat grupo, group 2, bawas muna ng isa."

"Mamaya na ko lalaro," sabi ni Jimin at tumabi siya kay Rap.

"Okay, ito ang mechanics. Pipila ang bawat grupo. May ipapakita si Jimin na word sa taong nasa hulihan ng pila. Tapos ipapasa ng mga nasa huli ang word papunta sa nasa unahan sa pamamagitan ng pag-act out dito, hanggang sa makaabot sa unahan ang message. Isisigaw ng nasa unahan ang word. Ang nauna at tamang word ang makakakuha ng puntos. Best of three tayo."

"Team, meeting muna," sabi ni Jin. Nagkumpulan kami, ganun din yung kabila.

Bale ang arrangement ng pila mula hulihan ay: ako-Jisoo-Jin-Seulgi-Jungkook

Versus: Rose-Jennie-Taehyung-Hobi-Suga

"Ready?!" tanong ni Rap.

"Ready!!!" sabay-sabay naming sigaw.

Okay Lisa! Fighting!

Lumapit kami ni Rose kay Jimin. Kunyari nagsukatan kami ng tingin saka nagfist bump.

"Eto ang word," bulong ni Jimin sabay pakita ng nakasulat sa kapirasong papel. Mahangin.

Mahangin? Teka... pano ko to iaact out?

Ah tama!

"Go!" sabi ni Rap saka kami lumapit sa mga kasunod namin.

Ikinampay ko ang mga braso ko mula kaliwa pakanan. Inalon-alon ko pa ang mga kamay ko.

Si Rose parang lumilipad. Gumegewang-gewang pa siyang parang sisirok na eroplano.

"Ano?" kakamot-kamot at tumatawang saad ni Jisoo.

"Gayahin mo na lang," natatawang sabi ko saka todo emote pa.

Humarap na si Jisoo kay Jin. Ginawa niya rin yung pagkampay pero mas mabilis ng konti.

Si Jennie naman tawa ng tawa kay Rose. Nagtumba-tumbahan pa kasi siya. Mahangin nga di ba?

"Waaah!" sigaw ng grupo namin. Pinapasa na ni Jin kay Seulgi. Parang pabilis ata yung kampay ng braso ah?

IDOL CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon