Jamaica POVHindi din nagtagal nakarating na sila trina at Kael na dala lahat ng order namin.
"Hala bakit wala kami? "- tanong ni kit habang nakatingin sa bit bit na pagkain nila Kael.
"Tsk! Yan kasi away pa ng away
Bumili kayo para sa sarili niyo"- bulyaw sa kanila ni trina."Ito kasi! Eh! Tsk"- sabi ni kit at tinuro si carl
"Anong ako! Ikaw yun"- sigaw ni carl sa kanya at tinuro din siya.
"Bahala ka sa buhay mo"- sabi ni kit sa kanya at umalis papunta sa counter. Wala namang nagawa si carl at sumunod nadin.
"Pasyensiya kana jamaica sa dalawang yun. Sadyang ganon lang talaga sila maglambingan"- nakangiting sabi sa akin ni hannah.
Napangiwi nalang ako sa sinabi niya. Lambingan ba tawag don?
-----------------------------------------------------------
Kit POV
Nandito ako ngayon sa counter at sasabihin ko na sana Kay ateng tindira ang order ko nang bigla nalang may demonyong nagsalita sa tabi ko.
"Ate isa ngang spaghetti "- sabi niya
Napapoker face naman ako at hinarap si ate
"Ate ako nga din po pero samahan mo yung sa akin ng cheese yung maraming cheese na kayang makapatay ng isang demonyo"- sabi ko Kay ate at tinignan ng matalim si carl.
"Ate bigyan mo nga ako ng soft drink yung Pepsi huh! Ilagay mo sa baso na malaki yung kayang ilagay sa loob ang isang impakta"- sabi niya habang tinignan din ako ng matalim.
Aba! Ako impakta? Putcha! Demonyo talaga sa buhay ko tong taong to.
"Ako ate royal yung kayang makakapagpatunaw ng isang demonyo na kaharap ko ngayon"- sabi ko Kay ate.
"ikaw sumusubra kana"- galit na sabi niya sa akin.
"Aba! Ako pa ngayon huh! Sino ba nagsimula huh? Diba ikaw? "- durong sabi ko sa kanya.
"Impakta ka talaga! "- sigaw niya sa akin
"Demonyo! "
"Impakta! "
"Demonyo! "
"Impakta! "
"Ahmm... Excuse me"
"ANO!! "sigaw na sabay namin ni Carl ng bigla nalang may kumalabit at nagsalita sa amin.
Tinignan namin ang isang estudiyante na takot na takot habang nakatingin sa amin.
"A-hmm.. T-anon-g ko l-ang po... K-ung b-bibila pa ba kayo-kasi gut-om na kami at b-bibili pa kami"- sabi niya sa amin habang nagmumutla at nauutal.
Napatingin naman kami sa likuran niya na haba haba na ang pila ng mga estudiyante.
"Tsk"- ako
Hinarap ko si ateng tindira
"Ate yung order ko? "- tanong ko sa kanya.
"Ahmm mam yung spaghetti po ba at royal? - tanong niya.
Napairap naman ako
"Yeah"- bagot na sabi ko sa kanya.
Hindi din naman nagtagal nakuha ko na ang order ko. Napatingin ako sa katabi ko na hawak na din ang order niya.
BINABASA MO ANG
Book 2: The Continuation Of The Secret
ActionShe's beautiful; she looks like an angel, but she's brave, merciless, heartless, and a total demon. She wants to see blood, and she has crimson eyes. Everyone is scared of her. what she will do if she meet the people that she want to see? And what w...